Mag-ingat sa Holloween costumes at decorations na may halong kemikal, babala sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,749 total reads

Binalaan ng BAN Toxics ang publiko laban sa pagbili ng Halloween costumes at decorations na maaaring may sangkap na nakalalasong kemikal ngayong nalalapit na ang paggunita sa Undas o All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Ayon kay BAN Toxics Campaigner Thony Dizon, bukod sa nakakatakot na hitsura ng mga produkto, dapat ding maging maingat ang mga magulang sa posibleng epekto nito sa kalusugan ng mga bata.

“Parents should be wary of the creepy and scary presence of toxic chemicals in children’s products which may lead to various health problems,” ayon kay Dizon.

Sa market monitoring, bumili ang BAN Toxics ng anim na Halloween mask at sinuri ang mga ito gamit ang chemical analyzer, at natuklasan na ang mga maskara ay naglalaman ng nakalalasong lead na umabot sa 1,130 parts per million (ppm) at cadmium na umabot naman sa 160 ppm.

Bukod pa rito, bigo rin ang mga produktong sundin ang umiiral na product labeling standards na itinatakda ng Republic Act 10620, o ang Toy and Game Safety Labeling Act of 2013.

Ipinag-uutos dito ang pagsunod ng toy manufacturers sa labeling requirements, kabilang ang License to Operate number mula sa Food and Drug Administration (FDA), at iba pang mga mahahalagang detalye.

Batay naman sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Chemical Control Order for Lead and Lead Compounds, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng lead sa paggawa at pagbebenta ng mga laruan at school supplies.

Habang ang cadmium naman ay may nakalalasong epekto sa bato, skeletal at respiratory system, at itinuturing na human carcinogen na nagdudulot ng cancer.

Panawagan naman ng BAN Toxics sa FDA at Department of Trade and Industry na magsagawa ng post-market surveillance at kumpiskahin ang mga produktong walang wastong label at hindi rehistrado sa pamilihan.

“Preventing the spread of unsafe children’s products in the market should be the core action not just of a single agency but a concerted effort by all stakeholders, including local government units and the general public,” dagdag ng grupo.

Una nang binigyang-diin ng Simbahang Katolika na hindi kaugalian ng isang Kristiyano ang pagsusuot ng mga nakakatakot na kasuotan upang ipagdiwang ang Halloween kundi dapat ilaan ang panahon para mag-alay ng panalangin at parangalan ang mga banal ng simbahan at mga yumaong mahal sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 41,896 total reads

 41,896 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 127,260 total reads

 127,260 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 173,997 total reads

 173,997 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 221,869 total reads

 221,869 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 323,895 total reads

 323,895 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,287 total reads

 169,287 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top