Paglilingkod sa Diyos at sa bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,175 total views

Ito ang panawagan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa lahat ng mga naghahangad maglingkod sa bayan kaugnay na rin sa nagpapatuloy na filing of candidacy para sa 2025 Midterm National and Local Elections.

Palala ng obispo sa mga maghahain ng kandidatura ang mabuting pagninilay sa tunay na hangarin dahil ang paglilingkod sa pamahalaan ay isang natatanging misyon na dapat gampanan para sa kapakinabangan ng nakararaming nasasakupan.

“Ako po ay umaapela sa mga mamamayang mag-file ng candidacy para maglingkod sa bayan sana po alam natin na ang paglilingkod ay isang napakahalagang kaloob ng Diyos, hindi paglilingkod sa sarili kundi paglilingkod sa kapwa, tandaan natin serbisyo sa bayan at serbisyo sa Diyos,” pahayag ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng obispo na higit kinalulugdan ng Diyos ang matapat na paglilingkod sa bayan na may paglingap sa pangangailangan ng nasasakupan.

Nagsimula ang paghahain ng kandidatura noong October 1 na magtatapos sa October 8 para
sa mga naghahangad kumandidatong konsehal ng bayan hanggang sa senado.

Maghahalal ang mga Pilipino sa May 12, 2025 ng 12 bagong senador, 63 kongresista at mahigit 18-libo local officials mula konsehal hanggang gobernador.

Una nang nanawagan si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa mamamayan na maging mapagmatyag sa mga indibidwal na naghain ng kanilang kandidatura upang maiwasan ang political dynasties at iba pang kakandidatong hindi karapat-dapat ihalal ng taumbayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 18,202 total views

 18,202 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 46,553 total views

 46,553 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 114,283 total views

 114,283 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 137,434 total views

 137,434 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 206,293 total views

 206,293 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top