Diocese of Gumaca, makikibahagi sa one million children praying the rosary

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 73,741 total reads

Inihayag ng Diyosesis ng Gumaca ang pagdaragdag ng intensyon sa pakikibahagi ng diyosesis sa nakatakdang One Million Children Praying the Rosary Campaign.

Sa pamamagitan ng liham sirkular ay inihayag ni Gumaca Diocesan Administrator Rev. Fr. Ramon Uriarte ang pagdaragdag ng intensyon ng pananalangin ng Santo Rosaryo para pagdating ng bagong Obispo ng diyosesis na si Bishop-elect Euginius Cañete, MJ na magsisilbing bilang ikaapat ng obispo ng Diyosesis ng Gumaca, Quezon kahalili ng namayapang si Bishop Victor Ocampo noong 2023.

Bukod dito, idaragdag din ng Diyosesis ng Gumaca sa intensyon ng pakikibahagi sa nakatakdang One Million Children Praying the Rosary Campaign ang pananalangin para sa pagkakaroon ng maayos at mapayapang proseso ng halalan at pangangampanya ng mga kandidato para nakatakdang 2025 Midterm Elections.

“Sa ating Diyosesis, idadagdag natin sa intensyon ang pagdating ng ating bagong obispo at ang mapayapa at maayos na kampanya ng mnga kandidato sa darating na halalan.” Bahagi ng liham sirkular ni Fr. Uriarte.

Nasasaad sa nasabing sirkular ang pag-aatas sa mga parokya at mga laykong mananampalataya sa diyosesis na makiisa sa taunang worldwide prayer event ng pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need.

Ayon sa Pari, kaisa ng ACN ang diyosesis sa layunin ng kampanyang hikayatin ang bawat isa sa pananalangin ng Santo Rosaryo ng Mahal na Birhen para sa pagkakaroon ng ganap na pagkakaisa at kapayapaan sa daigdig.

“Tayo po ay muling makikibahagi sa taunang kampanya ng Aid to the Church in Need (ACN) na pinamagatang “One Million Children Praying the Rosary.” Isasagawa ito sa Oktubre 18, 2024, Biyernes, sa ganap na ika-siyam ng umaga. Layunin ng kampanyang ito na hikayatin ang mga bata sa buong mundo na magdasal ng Santo Rosaryo ng Mahal na Birhen para sa kapayapaan at pagkakaisa ng lahat.” Dagdag pa ni Fr. Uriarte.

Kasabay ng Kapistahan ni San Lucas, Ebanghelista sa ika-18 ng Oktubre, 2024 ay muling isasagawa ang taunang sabayang pananalangin ng Santo Rosaryo para sa pagkakaisa at kapayapaan ng sanlibutan na may tema ngayong taon na na “Tinig ng Pag-asa ng mga Munting Alagad”.
Sa mga lalahok sa gawain maaring i-download ang prayer kits sa millionchildrenpraying.org. para magamit bilang gabay sa pananalangin.

UNDAS 2026, generally peaceful

 33,306 total reads

 33,306 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 9,306 total reads

 9,306 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 58,373 total reads

 58,373 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 108,124 total reads

 108,124 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 267,322 total reads

 267,322 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 294,086 total reads

 294,086 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

UNDAS 2026, generally peaceful

 33,307 total reads

 33,307 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »
Scroll to Top