Mananampalataya, hinimok ng Obispo na maging daluyan ng habag at awa ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,989 total reads

Hinimok ng opisyal ng World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) ang mga dumalo sa 5th Asian Apostolic Congress on Mercy na patuloy maging daluyan ng habag at awa ng Panginoon sa kapwa.

Ayon kay WACOM Episcopal Coordinator for Asia, Antipolo Bishop Ruperto Santos dapat isabuhay ng mga deboto ang bawat natutuhan sa congress at ipadama ang habag ng Panginoon sa buong pamayanan.

“Our congress does not stop here; we will continue, we will share, and we will be truly the messengers of mercy,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Ikinatuwa ng obispo ang pagiging masigasig ng mahigit 3, 000 deboto ng Divine Mercy na aktibong nakibahagi sa limang araw na mga panayam ng iba’t ibang panauhin.

Umaasa si Bishop Santos na isakatuparan ng mga deboto ang mga bunga ng AACOM lalo na ang mga gawaing kawanggawa sa pamayanan.
“What they have learned, what they have listened to, what they have loved and liked from the speeches, sharings, inputs, and immersions they will apply in reality; there will be works in their hands that they will translate with corporal acts of mercy. We will be his acts of mercy, his spirits of mercy, and will be living mercy to others,” ani Bishop Santos.

Samantala sa homiliya ni Diocese of Prosperidad Bishop-designate Ruben Labajo hinimok nito ang mga deboto na maging ‘mercy-nary’ upang makamit ang tunay na kapayapaan ng sanlibutan.

“May each one of us become not only as ambassadors of the Divine Mercy but eventually be transformed into the image of the messenger to the Divine Mercy. And the image of the Divine Mercy is an image of hope, an image of peace, an image of consolation,” ani Bishop Labajo.

Pinasalamatan naman ni Divine Mercy Philippines National Coordinator Fr. Prospero Tenorio ang Archdiocese of Cebu sa mainit na pagtanggap sa mga delegado ng AACOM kasabay ng panawagan sa mga magulang na paigtingin ang buhay panalanagin sa loob ng pamilya gayundin ang pagpapalakas sa Eukaristiya.

“Prayer especially inside the family is a call na tayong lahat sa pamilya ay sama-samang muli na manalangin especially the Eucharist as a thanksgiving and evangelization, evangelism to call to parents to become evangelizers of God’s mercy,” pahayag ni Fr. Tenorio.

Inanunsyo rin ni Fr. Tenorio ang ikaanim na AACOM na isasagawa sa Singapore. Nagtapos ang 6th day congress sa grand procession tampok ang mga imahe nina St. John Paul II, St. Faustina Kowalska at Divine Mercy habang ang closing mass ay pinangunahan ni Bishop Santos sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu.

Kabilang sa mahigit tatlong libong delegado ang 174 international delegates mula sa Canada, Guam sa Amerika, India, Lithuania, Malaysia, Papua New Guinea, Indonesia, Thailand, at Singapore.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 41,806 total reads

 41,806 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 91,966 total reads

 91,966 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 139,837 total reads

 139,837 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 243,786 total reads

 243,786 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 327,749 total reads

 327,749 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top