100 pesos mo, Tabang natin sa Bicolano, inilunsad ng Archdiocese of Lipa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,038 total reads

Inilunsad ng social arm ng Archdiocese of Lipa ang fund raising campaign bilang tugon sa panawagan ng mga lubhang naapektuhan ng sakuna sa Bicol Region.

Ito ang “100 pesos mo, Tabang natin sa Bicolano” ng Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) na layong matulungan sa pamamagitan ng pinagsama-samang sandaang piso ang mga apektadong pamilya dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa rehiyon.

Sa mga nais magpaabot ng tulong, maaari itong ipadala sa pamamagitan ng GCash account na Fr. Jayson T. Siapco sa numerong 0966-572-6244.

Samantala, inilunsad din ng social arm ng Diocese of Imus ang “Sapat Dapat! Malasakitan sa Lahat: Cash Donation Drive Tabang sa Kabikulan” upang makalikom ng pondo na ipapadala sa mga apektadong diyosesis at parokya sa Bicolandia.

Bahagi rin ito ng Byaheng Malasakitan sa ilalim ng Byahe Tayo program ng Caritas Imus.

Sa mga nais magbahagi ng tulong, maaari itong ipadala sa pamamagitan ng GCASH Account ni Fr. Knoriel Alvarez, executive director ng Caritas Imus sa numerong 0915-907-8659 o sa Metrobank Account name na Reynaldo Gonda Evangelista o Knoriel Arciaga Alvarez sa account number na 039-7-03957999-1.

Paalala naman ng simbahan sa publiko ang pag-iingat laban sa mga kahina-hinalang indibidwal na nais lamang manamantala at gamitin ang simbahan at ang nangyayaring sakuna upang makapanlinlang ng kapwa.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa higit 1.6 milyong indibidwal o higit 345-libong pamilya ang apektado ng Bagyong Kristine sa Bicol Region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 31,162 total reads

 31,162 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 67,283 total reads

 67,283 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 293,553 total reads

 293,553 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 187,020 total reads

 187,020 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 279,407 total reads

 279,407 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 151,430 total reads

 151,430 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top