Pagtutulungan ng mga biktima ng sunog,pinuri ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,181 total reads

Ikinagalak ni Caritas Manila Disaster Risk Reduction and Management Program Priest Minister Rev. Fr. Ric Valencia ang pagtutulungan ng mga nasunugan at volunteers ng Simbahan sa oras ng kalamidad.

Ayon kay Fr. Valencia,hindi matatawaran ang kabutihan na kanilang nasaksihan mula sa mga volunteers ng Baseco, Tondo na nasunugan nito lamang nakalipas na linggo at siya ngayong kumikilos para makatulong sa mga nasunugan sa kalapit na barangay na Parola Compound.

Giit ni Fr. Valencia, isa lamang itong pagpapakita ng pagkakaisa at pagnanais na makabawi sa kabutihan na itinataguyod ng Simbahang Katolika sa oras ng pangangailangan.

“Isa sa nakakatuwa na nangyari yun mga lugar na natulungan natin before [Baseco] ay silang tumutulong dito sa mga kababayan naman nila na nasunugan [Parola] kaya sabi ko sa kanila ang mahal na Cardinal [Luis Antonio Tagle] nagpapasalamat hindi lamang sa ating mga donors kundi maging sa mga volunteers,” pahayag ni Fr. Valencia sa panayam ng Radyo Veritas.

Magugunitang nitong nakaraang Huwebes ika-2 ng Pebrero ay nasa mahigit 200 kabahayan ang nasunog sa Baseco compound, Tondo Maynila kung saan agad din tumugon ang Caritas Manila sa pamamagitan ng pagpapadala ng relief goods.

“Sabi nga natin sino pa ang unang nakakaunawa sa kanila kundi kayo kahit mga kababaihan walang kasawa-sawang magbuhat ng mga sako ng mga relief.” ani Fr. Valencia.

Kaugnay nito patuloy ang pag-apela ng nasabing social arm ng Archdiocese of Manila para sa mga gustong tumulong at magbahagi ng donasyon sa mga biktima ng sunog.

Nauna rito, nagpaabot ng pasasalamat at panalangin si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga tumulong sa mga biktima ng sunog sa Parola, Tondo, Manila.

Read: http://www.veritas846.ph/sunog-sa-parola-compound-ikinalungkot-ng-archdiocese-ng-manila-mga-volunteers-labis-na-pinasasalamatan/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 107,043 total reads

 107,043 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 141,745 total reads

 141,745 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 175,879 total reads

 175,879 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 232,283 total reads

 232,283 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 114,788 total reads

 114,788 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top