Patuloy na panalangin, tulong sa mga nasalanta sa Batangas panawagan ni Archbishop Garcera

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,949 total views

Nananawagan ng tulong at panalangin si Lipa Archbishop Gilbert Garcera para sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Archbishop Garcera, mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa upang muling makapagbigay ng pag-asa sa mga lubhang nasalanta ng nagdaang sakuna.

“Ako po’y patuloy na nagdarasal para sa ating lalawigan, sapagkat matapos na masalanta tayo ng bagyo, maraming naghihirap at maraming nangangailangan ng dasal. Sa ngayon po ako’y humihingi ng tulong sa inyo, lalo na sa mga kapatid nating nasalanta ng bagyo… Ipagpatuloy po natin ang magandang gawain ng isang Batanggenyo, nagtutulungan, nagbabahaginan, at nagdarasal para sa lahat,” pahayag ni Bishop Garcera.

Batay sa huling situation report ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC), umabot na sa 43 katao ang nasawi sa lalawigan, kung saan ang bayan ng Talisay ang pinakaraming bilang ng nasawi na umabot sa 17 katao, sinundan ng 10 sa Laurel, at siyam naman sa Agoncillo.

Nasa apat na katao naman ang naiulat na nasugatan, habang patuloy pa ring pinaghahanap ang 22 iba pang nawawala.

Sa kasalukuyan, pansamantalang nanunuluyan sa 277 evacuation centers sa iba’t ibang bahagi ng Batangas ang halos 13,000 pamilya o higit 44,000 indibidwal.

Samantala, nagsagawa naman ng Banal na Misa ang mga kawani at volunteers ng social arm ng Arkidiyosesis ng Lipa bilang paggunita sa mga nasawi mula sa sakuna, gayundin para sa mga patuloy na naglilingkod at tumutulong sa mga biktima, at para sa kaligtasan at katatagan ng lahat sa kabila ng kinakaharap na pagsubok.

Inaasahan namang magpapadala ng food packs at non-food items ang Caritas Manila bilang karagdagang tulong para matugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang nasa evacuation centers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 44,181 total views

 44,181 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 50,310 total views

 50,310 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 80,452 total views

 80,452 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 99,936 total views

 99,936 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 118,690 total views

 118,690 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LLSP,nagbabala laban sa mga manloloko

 4,668 total views

 4,668 total views Nanawagan si Living Laudato Si’ Philippines executive director Rodne Galicha sa publiko na maging mapanuri bago makibahagi, sumuporta, magbigay ng donasyon, o kumatawan

Read More »
Scroll to Top