P1.8M karagdagang cash assistance, ipapadala ng Caritas Manila sa 6-Bicol dioceses

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,719 total reads

Magpapadala ng karagdagang P1.8 milyon cash assistance ang Caritas Manila para sa Bicol dioceses na labis na nasalanta ng Bagyong Kristine.

Makakatanggap ng tig-P300,000 karagdagang tulong ang anim na diyosesis sa Bicol Region kabilang ang Archdiocese of Caceres at Diocese of Libmanan sa Camarines Sur; Diocese of Virac, Catanduanes; Diocese of Daet, Camarines Norte; Diocese of Legazpi, Albay; at Diocese of Sorsogon.

Dahil dito, aabot na sa P3-milyon ang kabuuang halaga ng tulong mula sa social arm ng Archdiocese of Manila.

Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo noong nakaraang lingo, nagpadala ang Caritas Manila ng P1.2 milyong paunang tulong para sa Bicol, kung saan nakatanggap ng tig-P200,000 ang anim na diyosesis.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang social action center directors mula sa mga natulungang diyosesis sa cash assistance ng Caritas Manila.

Ayon kay Legazpi SAC director, Fr. Eric Martillano, naghahanda na ang diyosesis para sa rehabilitation and recovery efforts bagamat may mga hindi pa napapadalhan ng tulong sa Albay, partikular sa bayan ng Jovellar at Pantao sa Libon, dahil hindi pa madaanan ang mga kalsada.

“Napakalayo ng lugar and very poor. Based sa assessment namin, ito na lang ang may strong need for relief. For the rest of the affected population, gusto na namin mag-transition sa rehab and recovery initiatives. Thank you so much po sa tulong,” ayon kay Fr. Martillano sa panayam ng Radio Veritas.

Nagpapatuloy rin ang relief operations ng Caritas Virac, sa pangunguna ni Fr. Renato dela Rosa, kung saan kabilang sa mga natulungan ang isang baryo sa Caramoran, Catanduanes na sinalanta ng buhawi sa kasagsagan ng Bagyong Kristine.

“Salamat pong muli sa Caritas Manila at Radio Veritas Manila! Dahil sa tulong ninyo, nakapag-relief operations na kami. Tamang-tama, may mga naka-preposition kaming mga balde at tabo galing din sa inyo, at naisama namin sa pamamahagi para sa mga nasalanta ng buhawi sa baryo sa Caramoran,” ayon kay Fr. dela Rosa.

Patuloy rin ang pagtugon nina Caritas Caceres director, Fr. Marc Real, sa mga apektadong lugar sa Camarines Sur, at Caritas Sorsogon director, Fr. Ruel Lasay, kasama si Bishop Jose Alan Dialogo sa pamamahagi ng tulong sa bayan ng Donsol na labis ding naapektuhan ng bagyo.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit dalawang milyong indibidwal o higit 500-libong pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol Region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 117,211 total reads

 117,211 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 151,888 total reads

 151,888 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 174,386 total reads

 174,386 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 210,873 total reads

 210,873 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 221,811 total reads

 221,811 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 88,667 total reads

 88,667 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top