Recommit ourselves to the mission of Christ, paalala ni Bishop Uy sa mga pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,143 total reads

Umaasa si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na mas umigting ang pagbubuklod ng kristiyanong pamayanan sa Bohol tungo sa iisang misyon na ipalaganap si Hesus sa lipunan.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng diyosesis ng ika – 83 anibersaryo ng pagkatatag.

Dalangin ni Bishop uy ang patuloy na pag-usbong ng komunidad na nagsasabuhay sa mga turo at aral ni Hesus lalo na ang pagmamalasakit at paglingap sa kapwa.

“As we celebrate this anniversary, let us recommit ourselves to the mission of Christ and to one another. May we continue to build a community that reflects the love and compassion of our Lord, living out our faith in synodality for the glory of God and the good of His people,” bahagi ng mensahe ni Bishop Uy.

Kinilala ng obispo ang pagtutulungan ng mananampalataya na isang testamento ng pag-ibig ng Diyos at paanyayang panibaguhin ang pangakong makiisa sa paglalakbay ng simbahang sinodal alinsunod sa paanyaya ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Batid ni Bishop Uy na malaking hamon sa bawat isa ang sama-samang paglalakbay bunsod na rin ng iba’t ibang karanasan ng kapwa subalit sa gabay ng Banal na Espiritu ay maisakatuparan ang mga hangaring pag-unlad ng simbahan.

“Synodality invites us to walk together, to listen to one another, and to discern the path that God is calling us to take. It challenges us to break down barriers and foster a spirit of collaboration among all members of our community. Let us embrace this call, allowing the Holy Spirit to guide us as we journey together in faith, hope, and love,” ani Bishop Uy.

Pinasalamatan ng obispo ang Panginoon sa paggabay sa kabila ng mga hamon ng trahedya at sakunang hinarap ng diyosesis lalo na ang 7.2 magnitude earthquake noong 2013 na puminsala sa mahigit 20 simbahan sa lalawigan at kumitil sa buhay ng mahigit 200 katao.

Gayundin kinilala ng pastol ang mga nagdaang obispo mula nang maitatag ang diyosesis noong November 8, 1941 tulad nina Cardinal Julio Rosales, Bishops Manuel Mascariñas, Onesimo Gordoncillo, Felix Zafra, Leopoldo Tumulak at Leonardo Medroso.

Sa kasalukuyan ang diyosesis ay binubuo ng mahigit 800, 000 katoliko o halos 80 porsyento sa kabuuang populasyon sa 58 mga parokya kung saan katuwang ni Bishop Uy sa pagpapastol ang halos 200 mga pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 11,989 total reads

 11,989 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 240,170 total reads

 240,170 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 133,636 total reads

 133,636 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 227,665 total reads

 227,665 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 271,420 total reads

 271,420 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top