Ugaliing maging handa sa anumang unos, paalala ng Obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,365 total reads

nihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kahalagahan ng pagtitiwala sa Diyos sa gitna ng mga unos at pagsubok na kinakaharap.

Ito ang paalala ni Bishop Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, habang patuloy na hinaharap ng bansa ang magkakasunod na pananalasa ng malalakas na bagyo sa nagdaang mga linggo.

“In these times of relentless challenges brought by the series of destructive super typhoons, it is crucial to hold on to hope and stand resilient in the face of adversity. Our nation has weathered many storms, and together, we can overcome these trials with the same spirit of unity and strength that has always defined us,” ayon kay Bishop Santos.

Hinikayat ng obispo ang lahat na paigtingin ang kahandaan at maging alerto upang mapanatili ang kaligtasan ng sarili at mga mahal sa buhay.

Binigyang-diin ni Bishop Santos na mahalaga ang pagkakaroon ng mga emergency plan, pag-iimbak ng mga pangunahing pangangailangan, at pagsunod sa mga babala at utos ng mga lokal na pamahalaan.

Ipinaalala rin ng obispo ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan sa panahon ng sakuna dahil nagdudulot ito ng kaginhawaan sa mga nangangailangan at nagpapaalala na ang bawat isa’y may karamay sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Hamon naman ni Bishop Santos sa lahat ang pagkakaroon ng lakas ng loob at pananalig sa kabila ng mga pangamba sapagkat ang pananampalataya ang magiging sandigan ng lahat upang muling makamit ang pag-asa.

“Let us stand together, support one another, and hold on to hope. Our collective strength, compassion, and faith will guide us through these turbulent times. Stay safe, stay strong, and let us remain hopeful,” saad ni Bishop Santos.

Sa nakalipas na tatlong linggo, limang bagyo ang dumaan at nagdulot ng pinsala sa bansa, kabilang ang mga bagyong Kristine, Leon, Marce, Nika, at Ofel.

Itinaas sa Signal No. 5 ang mainland Cagayan matapos ideklara bilang Super Typhoon ang Bagyong Ofel, ngunit ibinaba na muli sa Typhoon category bago ito nag-landfall sa bayan ng Baggao ala-1:30 ng hapon ng Huwebes.

Samantala, patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Tropical Storm Man-Yi, na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) Huwebes ng gabi at tatawaging Bagyong Pepito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 29,554 total reads

 29,554 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 115,817 total reads

 115,817 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 162,556 total reads

 162,556 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 210,428 total reads

 210,428 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 312,946 total reads

 312,946 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 168,822 total reads

 168,822 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top