Lahat ng simbahan sa Bicol region, binuksan sa evacuees

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,404 total views

Binuksan na ng mga diyosesis sa Bicol Region ang mga simbahan bilang pansamantalang matutuluyan ng mga magsisilikas dahil sa banta ng Super Typhoon Pepito.

Simula pa kahapon, nag-anunsyo na ang mga parokya mula sa Archdiocese of Caceres at Diocese of Libmanan (Camarines Sur), Diocese of Daet (Camarines Norte), Diocese of Virac (Catanduanes), Diocese of Legazpi (Albay), Diocese of Sorsogon, at Diocese of Masbate na bukas ang kanilang mga simbahan at iba pang pasilidad para sa mga pamilyang lumikas mula sa mga lugar na nasa mataas na panganib ng daluyong, pagbaha, at pagguho ng lupa.

Bukod sa paglalaan ng ligtas na evacuation centers, tiniyak din ng mga diyosesis ang kahandaan sa pagbibigay ng tulong at suporta sa mga pangangailangan ng mga apektadong residente dulot ng Bagyong Pepito.

Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng Super Typhoon Pepito sa silangan ng Catarman, Northern Samar, at patuloy na kumikilos patungong Bicol Region.

Nakataas na ang Signal No. 4 sa Catanduanes at hilagang-silangang bahagi ng Camarines Sur, habang nasa Signal No. 3 naman ang silangang bahagi ng Camarines Norte, hilaga at timog-silangang bahagi ng Camarines Sur, silangang bahagi ng Albay, hilagang-silangang bahagi ng Sorsogon, silangang bahagi ng Northern Samar, at hilagang bahagi ng Eastern Samar.

Hinihikayat ang lahat ng apektadong residente na makinig sa mga babala ng PAGASA at sumunod sa mga utos ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan.

Una nang humiling ng panalangin si Antipolo Bishop Ruperto Santos na nawa’y ipadama ng Panginoon ang Kanyang mapagkalingang yakap upang maligtas ang bansa sa mapaminsalang epekto ng Super Typhoon Pepito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 54,845 total views

 54,845 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 50,714 total views

 50,714 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 86,916 total views

 86,916 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 95,384 total views

 95,384 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 120,120 total views

 120,120 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top