Diocese of Imus, nakikiisa sa Red Wednesday

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,768 total reads

Makikiisa ang Diocese of Imus sa taunang paggunita ng Red Wednesday bilang bahagi ng pananalangin at pagsuporta sa mga Kristiyanong nakakaranas ng karahasan at pang-uusig dahil sa kanilang pananampalataya.

Sa liham-sirkular, hinihikayat ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang mga parokya, paaralan, institusyon, at pamayanan na makibahagi sa pagdiriwang ng Misa ng Pagsamo para sa mga Kristiyanong Inuusig, na gaganapin bukas, November 27, 2024.

Hinihikayat din ni Bishop Evangelista ang pagpapailaw ng pula sa mga harapan ng simbahan, paaralan, at iba pang mga gusali bilang simbolo ng pag-aalay ng buhay ng mga Kristiyanong inuusig.

“I encourage all parishes, schools, religious institutions, and Christian communities to observe this day of prayer by celebrating the Eucharist using the Votive Mass for Persecuted Christians (Roman Missal, p. 1058). The facades of your churches, schools, and buildings may be illuminated in red to symbolize the sacrifices and martyrdom of our persecuted brothers and sisters in the Christian faith,” ayon sa liham-sirkular ni Bishop Evangelista.

Magkakaroon din ng special collection sa mga votive masses bukas, na ang malilikom ay ilalaan para sa mga programa ng simbahan para sa mga Kristiyanong humaharap sa iba’t ibang hamon ng lipunan.

Taong 2016 nang simulan ng Pontifical Foundation Aid to the Church in Need (ACN) ang Red Wednesday campaign upang himukin ang mga Kristiyano na magkaisa sa panalangin, bigyang-pugay ang mga martir ng Simbahan, at suportahan ang mga Kristiyanong kasalukuyang inuusig.

Sa Pilipinas, pangungunahan ni ACN Philippines President, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, ang pagdiriwang sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag sa Pangasinan.

Magsisimula ito sa pananalangin ng Santo Rosaryo sa ganap na alas-4 ng hapon, susundan ng Banal na Misa, pagsisindi ng mga kandila, at pagpapailaw ng pula sa harapan ng simbahan.

January 2020 nang pinagtibay ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang taunang pakikiisa ng Pilipinas sa kampanya bilang pagpapakita ng malasakit at pagkakaisa sa mga Kristiyanong inuusig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 3,306 total reads

 3,306 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 91,536 total reads

 91,536 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 138,275 total reads

 138,275 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 186,147 total reads

 186,147 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 290,056 total reads

 290,056 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 167,736 total reads

 167,736 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top