Makialam sa krisis pulitika, apela ng LAIKO sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,592 total reads

Hinimok ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity ang sambayanang Pilipino na makialam at kumilos sa gitna ng kasalukuyang krisis sa pulitika ng bansa.

Ayon sa Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO), ang lumalalang tensyong dulot ng akusasyon, pagbabanta, at personal na alitan sa pagitan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte ay nagdudulot ng pagkakawatak-watak sa lipunan.

Binibigyang-diin ng LAIKO na bilang isang bansang mayoryang Katoliko, tungkulin ng bawat mananampalataya na huwag manahimik o maging tagamasid lamang sa harap ng mga hamon sa lipunan.

“We cannot stand idly by as words destroy reputations, lives are torn apart, and relationships are fractured. We, the Laity, are called to action. We are reminded of our vital role in addressing structural sin and fostering moral integrity in the public sphere,” pahayag ng LAIKO.

Ipinaalala ng grupo ang isinasaad sa dokumentong Apostolicam Actuositatem na misyon ng mga laiko ang pabanalin ang mundo na nag-uudyok ng aktibong pakikilahok sa mga usaping panlipunan, pampulitika, at pangkultura, alinsunod sa Kristiyanong pamamaraan.

Panawagan ng LAIKO sa lahat na talikuran ang galit, paninira, at pagkakawatak-watak, at sa halip ay pairalin ang pagkakaunawaan, pagkakasundo, at pananagutan para sa mga nagawang pagkakamali upang muling maitaguyod ang pagkakaisa sa pag-ibig ng Panginoong Hesukristo.

“Let us, as the Catholic laity, courageously fulfill our vocation to bring the light of Christ into the world—transforming conflict into peace, hatred into love, and despair into hope. Together, let us work to build a society that reflects the righteousness of God, where justice and compassion prevail over anger and discord,” saad ng LAIKO.

Una nang umapela ng panalangin ang mga obispo ng Pilipinas para sa pangingibabaw ng kahinahunan at kapakumbabaan upang makamit ng bansa ang tunay na pagkakaisa tungo sa maunlad at mapayapang lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 84,960 total reads

 84,960 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 132,157 total reads

 132,157 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 180,028 total reads

 180,028 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 283,976 total reads

 283,976 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 366,203 total reads

 366,203 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 167,483 total reads

 167,483 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top