Episcopal coronation, ipinagkaloob sa La Inmaculada Conception de Batanes

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,168 total reads

Inihayag ni Batanes Bishop Danilo Ulep na mahalagang parangalan at kilalanin ang Mahal na Birheng Maria bilang ina ng Diyos at sanlibutan.

Ito ang mensahe ng obispo sa ginanap na kauna-unahang episcopal coronation ng Prelatura ng Batanes sa imahe ng La Inmaculada Concepcion de Batanes nitong December 9 sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi kay Maria.

Ayon kay Bishop Ulep mahalaga ang pagdiriwang sa kasaysayan ng mga Ivatan kung saan ito ang natatanging paraan ng pagparangal gayundin ang hamong tularan ang gawi ng Mahal na Birhen.

“Ito ay pagpadama sa ating Mahal na Ina ng aming pagmamahal at pagdideboto at gusto naming ipangako sa ating Mahal na Ina na ipagpatuloy naming sikapin na tularan ang mga ipinakikita niyang magandang halimbawa kung paano maging tunay na tagasunod ni Kristo,” pahayag ni Bishop Ulep sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng obispo na ito rin ay hakbang upang mas mapaigting sa Batanes ang debosyong ipinamalas ng mga Dominikanong misyonero na unang nagpalaganap ng kristiyanismo sa isla noong 1783 sa pangunguna nina Fathers Balthasar Calderon O.P., at Bartholome Artiguez O.P.

Ikinagalak ni Bishop Ulep ang pagkakataong pangunahan ang pagputong ng korona sa patrona ng lalawigan at ng buong Pilipinas gayundin ang pagdalo ng daang-daang mananampalataya.

Nagbuklod din at nakiisa ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Batanes bilang pagpapakita ng suporta at pagparangal sa Mahal na Birhen.

Ginanap ang pagputong ng korona sa Immaculate Conception Cathedral and Sto. Domingo de Guzman Parish sa Basco kung saan katuwang ni Bishop Ulep si Cathedral Parish Priest Fr. Ronaldo Manabat habang si Radio Veritas anchor-priest at Batanes Chancellor Fr. Ramon Turingan ang nagbasa ng kalatas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 210,733 total reads

 210,733 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 245,406 total reads

 245,406 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 261,306 total reads

 261,306 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 297,796 total reads

 297,796 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 303,879 total reads

 303,879 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top