Lahat ng Diocese at Archdiocese, hinimok ng CBCP-ECY na magpadala ng kinatawan sa NYD 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,257 total views

Hinikayat ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth ang mga diyosesis sa bansa na magpadala ng kinatawan sa National Youth Day sa June 10 hanggang 14, 2025.

Ayon sa komisyon, mabisang pagkakataon ang NYD 2025 na gaganapin sa Archdiocese of Caceres partikular sa Pilgrim City of Naga upang pagbuklurin ang mga kabataan at sama-samang maglakbay tungo sa paglago ng pananampalataya.

“It is our hope that the pilgrims will deepen their faith-experience, fellowship with co-pilgrims,” ayon sa pahayag ng CBCP-ECY.

Layunin din ng pagtitipon na palaganapin ang diwa ng kasiyahan sa mga kabataang nakaugat sa pananampalataya at pagkakilanlan; Patatagin ang bawat kabataan upang maging handa sa anumang hamong kakaharapin; Buksan ang kamalayan ng mga kabataan upang tulad ng Mahal na Birhen ay magiging mas mapanuri at maging aktibong makibahagi sa mga usaping panlipunan; magpahayag at magbahagi ng makabululhang pagsusuri hinggil sa mga napapanahong usapin na kinakaharap ng mundo alinsunod na rin sa kahilingan ng Papa Francisco sa paghahanda ng Jubilee Year sa 2025.

Tema ng NYD 2025 ang ‘Rejoice in hope, endure in affliction, persevere in prayer’ na halaw mula sa Sulat ni San Pablo sa mga taga Roma kabanata 12 talata 12 kung saan binibigyang diin na manatiling umasa at magtiwala sa Diyos sa kabila ng mga hamong kinakaharap.

Isasabuhay din sa pagtitipon ng mga kabataan ang habag at katarungan sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga usaping panlipunan tulad ng slavery, human trafficking, at hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan dahilan ng mga paglabag sa karapatang pantao lalo na sa mga katutubo, mahihirap at mahihinang sektor.

Sinasalamin naman ng logo ng NYD 2025 ang karanasan ng mga Bicolano sa nagdaang Bagyong Kristine na bagamat lubos na apektado ang buong rehiyon ay nanatiling buhay ang pag-asa sa pamamagitan ng mga panalangin sa Panginoon at sa pamamatnubay ng Mahal na Birhen ng Penafrancia.

Tampok sa limang araw na pagtitipon ang pilgrimage ng mga kabataan sa pitong pilgrim churches ng Naga, traslacion procession, plenary formations, workshops, immersion, enthronement sa patrona ng Bicolandia at pagmamanto, at higit sa lahat ang pagdiriwang ng mga Banal na Misa.

Sa mga nais lumahok sa NYD 2025 makipag-ugnayan sa mga tanggapan ng Commission on Youth sa bawat diyosesis para sa karagdagang detalye o makipag-ugnayan sa CBCP – ECY.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 53,496 total views

 53,496 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 86,578 total views

 86,578 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 114,929 total views

 114,929 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 182,661 total views

 182,661 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 202,071 total views

 202,071 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top