Pakikilakbay sa mga manggagawa, tiniyak ng AMLC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,395 total reads

Muling tiniyak ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern (AMLC) ang patuloy na pakikiisa sa mga manggagawang Pilipino.

Tiniyak ni AMLC Minister Father Erik Adoviso ang patuloy na pagpapalakas sa boses ng mga manggagawa at mapaigting ang pagsusulong ng katarungang panlipunan.

Tinukoy ni Fr.Adoviso ang kampanya upang mabuwag ng tuluyan ang “Provincial rate” at maipatupad ang national minimum wage sa bansa.

Sinabi ng Pari na dahil sa epekto ng inflation rate ay madalas mas mahal pa ang mga bilihin at serbisyo sa mga lalawigan kumpara sa N-C-R.

“Bilang kasama niyo po ang mga kilusang paggawa at ang mga ordinaryong Manggagawa, andito po ang Archdiocesan Ministry for Labor Concern na patuloy na tumutulong, nakikiisa sa mga manggawa, bagamat hindi alam nglahat ng mga tao dito sa Maynila or sa buong Pilipinas na mayroon palang ministry para sa Labor,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Adoviso.

Iginiit din ni Fr.Adoviso ang kahalagahan na mahinto na ang contractualization sa Pilipinas upang magkaroon ng security of tenure ang mga manggagawa sa trabaho.

“At yung mga nasa agency naman off course inaalala natin sila, pero sana isang araw ay magkaroon sila ng regular jobs at siempre matapos narin sana yung ating mga adbokasiya, isa sa mga adbokasiya natin ay matapos na yung sahod sa probinsya at saka sahod dito sa Maynila at magkaiba, buwagin po natin yung provincial rate at sana pare-pareho na po yung sahod,” ayon sa panayam ng Radio Veritas

Pinapalawak din ng AMLC ang programa upang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga manggagawa sa kanilang labor rights.

Ibinahagi ng Pari ang Paralegal ng Simbahan o PASIMBA na nagbibigay kaalaman sa kanilang mga karapatan sa ilalim ng batas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 48,763 total reads

 48,763 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 134,129 total reads

 134,129 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 180,864 total reads

 180,864 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 228,736 total reads

 228,736 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 330,357 total reads

 330,357 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top