Pagpapalaganap ng totoong impormasyon sa social media, ilulunsad ng CGG

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,459 total views

Palalakasin ng Clergy for Good Governance ang kampanya sa Social Media at iba pang online platforms upang mapapalalim ang kaalaman ng mga Pilipino hinggil sa wastong paggamit sa kaban ng bayan.

Inihayag ni Running Priest Father Robert Reyes na layon ng kanilang kampanya na maabot ang mga kabataan at iba’t-ibang sektor sa lipunan.

Target audience ng CGG ang pinakamahihirap na sektor ng lipunan na kadalasang biktima ng mga fake ndews at mga online trolls.

“Pati ang urban poor, rural poor may cellphone sila lahat, hindi nagbabasa ng dyaryo, hindi nakikinig ng radyo pero lahat yon cellphone, kaya kung as you grow older in life, hindi kami masyadong masyadong nakatingin sa cellphone pero ang urban poor, ang rural poor, ang kabataan, yung dalawang sektor na yon, doon sila nakababad,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Reyes

Magiging katulong naman ng Clergy for Good Governance si Former Department of Finance Undersecretary at University of the Philippines College of Economics Associate Proffesor Cielo Magno.

Ito ay dahil isa si Magno sa mga umuusbong na influencers sa Social Media partikular na sa Tiktok at Youtube platforms dahil kaniyang ibinabahagi sa mga ito ang mahahalagang impormasyon, dayalogo at balita hinggil sa ekonomiya o iba pang paksa sa Pilipinas.

“Pero ang malinaw na panawagan dito ay yung responsible spreading ng tamang impormasyon kaya hinihikayat ko po tayong lahat kasi parang market din ang social media, kung hahayaan natin na mas marami ang nagpapakalat ng maling impormasyon, sila po yung mangingibaw, pero kung marami tayo na naglalagay ng tamang impormasyon sa social media atleast my option yung mga kababayan natin na makarinig na iba pang impormasyon,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Cielo Magno.

Sinabi ni Magno na upang makatulong sa hangarin ng CGG ay sinimulan niya ang samahan ng mga influencers na ‘Pilipinas Kita’ o Phil-kita na nagbabahagi sa social media ng totoong impormasyon na nakabatay sa mga pag-aaral, pagsasaliksik at mula sa mga mapagkakatiwalaang resources.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 20,427 total views

 20,427 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 48,432 total views

 48,432 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 66,232 total views

 66,232 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 65,377 total views

 65,377 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 176,352 total views

 176,352 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

I-alay ang buhay sa mahal na birheng Maria

 1,479 total views

 1,479 total views I-alay ang pananampalataya at buhay sa Panginoon at sa Mahal na Birheng Maria. Ito ang mensahe at pagninilay sa Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas

Read More »
Scroll to Top