Dapat manaig ang katarungan-Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,269 total views

Nanindigan ang Bishop Promoter ng Stella Maris Philippines na dapat manaig ang katarungan alinsunod sa batas.

Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos malinaw na may pananagutan sa batas ang sinumang nagkasala upang mabigyang katarungan ang mga biktima.

Ito ang mensahe ng obispo kaugnay sa krimen na kinasangkutan ng isang Overseas Filipino Worker sa Kuwait na sinasabi ng embahada ng Pilipinas sa naturang bansa napatay nito ang anak ng kanyang employer.

Tiniyak ni Bishop Santos ang mga panalangin para sa kapanatagan at paghilom sa pamilya ng batang biktima gayundin ang panalangin para sa pagpanibago ng puso ng akusadong OFW.

“We also pray for the accused, that there may be contrition and a change of heart. Let us remember that our faith calls us to seek justice and mercy. We must allow the rule of law to prevail, ensuring that justice is served while also extending assistance and support to our co-national,” bahagi ng mensahe ni Bishop Santos.

Binigyang diin ng opisyal na bukod sa paglabag sa batas ng tao ay malinaw na nilabag ng OFW ang ikalimang utos ng Diyos na ‘Huwag kang papatay’ na isang mortal na kasalanan at pagyurak sa dignidad at kasagraduhan ng buhay.

Kasalukuyang nakipagtulungan ang embahada ng Pilipinas sa mga awtoridad ng Kuwait lalo’t ang nasabing akusado ay nakitaan ng sintomas ng pagkabalisa.

Iginiit ng embahada na isolated case ang nangyari at hindi ito sumasalamin sa pangkabuuang karakter ng mga OFW na ayon naman kay Bishop Santos nawa’y hindi makakaapekto sa imahe ng mga Pilipinong kilala sa pagiging masipag at makatao.

“This isolated case should not taint the true face of our many Overseas Filipino Workers (OFWs) who are known for their hard work, honesty, and God-fearing nature. Our OFWs have made countless sacrifices to provide for their families and contribute to the global community. They deserve our respect and support, even as we navigate this difficult situation,” ani Bishop Santos.

Bagamat hindi pinangalanan ang akusadong OFW napag-alamang ito ay nagmula sa Alcala Cagayan at nanatili sa Kuwait mula pa noong 2015.

Matatandaang nagkaroon ng visa ban para sa mga Pilipino ang Kuwait noong May 2023 kasunod ng pagkapaslang sa OFW na si Jullebee Ranara ngunit makaraan ang dayalogo ay inialis din ang ban sa mga Pilipino noong June 2024.

Muling idinudulog ni Bishop Santos sa Diyos ang pagpapatawad, kapanatagan ng puso, paghilom at walang hangang awa ng Diyos lalo na sa mga apektadong indibidwal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 44,942 total views

 44,942 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 40,811 total views

 40,811 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 77,013 total views

 77,013 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 85,774 total views

 85,774 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 111,273 total views

 111,273 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top