Proteksyon sa dignidad ng buhay, hiling ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,720 total reads

Umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mananampalataya na isulong ang kapayapaan at proteksyon sa biyaya ng buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao.
Sa pagninilay ng santo papa sa Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos at paggunita sa 58th World Day of Peace, binigyang diin nito ang kalahagahan ng buhay ng bawat indibidwal kaya’t dapat itong igalang at protektahan.
Tinuran ng santo papa ang halimbawa ng Mahal na Birhen na nagdalantao kay Hesus upang magkatawang tao at makilakbay sa sangkatauhan.
“On the World Day of Peace, this invitation springs from Mary’s maternal heart, and we are all called to heed it: to protect life, care for wounded life—so much wounded life—and restore dignity to the life of every ‘born of a woman’,” bahagi ng pagninilay ni Pope Francis.
Ipinaliwanag ng Santo Papa na ang pagkakatawang tao ni Hesus sa pamamagitang ng Birheng Maria ay nagpapakita ng presensya ng Diyos sa kabila ng kahinaan ng tao.
Mariin ang panawagan ni Pope Francis sa bawat isa na dapat igalang ang dignidad ng buhay ng tao kasabay ng pagkundena sa mga karahasan sa mundo na kumikitil ng buhay lalo na sa mga inosenteng sibilyan.
“I ask for a firm commitment to promote respect for the dignity of human life, from conception to natural death so that every person may love their life and look to the future with hope,” ani Pope Francis.
Samantala muling inanyayahan ni Pope Francis ang bawat isa lalo na ang isang bilyong katoliko sa mundo na ipagpasalamat ang mga biyayang ipagkakaloob ng Panginoon sa taong 2025 lalo’t kasabay nito ang pagdiriwang ng Jubilee Year kung saan bawat pagdalaw sa mga jubilee churches ay matatamo ang plenary indulgence.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,289 total reads

 50,289 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,952 total reads

 129,952 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,399 total reads

 163,399 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,697 total reads

 198,697 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,234 total reads

 423,234 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top