COVID-19 pandemic, inalala ng WHO

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,285 total reads

Inalala ng World Health Organization (WHO) ang mga nabago at nawalang buhay dulot ng paglaganap ng nakahahawang at nakamamatay na coronavirus disease o COVID-19, limang taon na ang nakalilipas.
Ibinahagi ng WHO na sa pagsisimula ng 2020, agad na kumilos ang ahensya upang maglabas ng mga paalala para sa mga bansa, at tinipon ang mga dalubhasa upang pag-aralan ang ‘viral pneumonia’ na nagmula sa Wuhan, China.
“All along, we convened experts and ministries of health from around the world, gathered and analyzed data, and shared what was reported, what we learned and what it meant for people,” pahayag ng WHO.

Habang ginugunita ang yugtong ito, kinilala ng WHO ang mga patuloy na naghihirap mula sa COVID-19 at long COVID, at ang sakripisyo ng mga healthcare worker.

Nananawagan din ang ahensya sa China na magbahagi ng impormasyon tungkol sa pinagmulan ng COVID-19 upang matulungan ang mundo sa pag-iwas at paghahanda laban sa mga susunod na pandemya.

“This is a moral and scientific imperative. Without transparency, sharing, and cooperation among countries, the world cannot adequately prevent and prepare for future epidemics and pandemics,” giit ng WHO.

Batay sa Statista, umabot na sa halos 700 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo, kung saan mahigit 7 milyon dito ang namatay.

Sa Pilipinas, naitala naman ang mahigit 4.1 milyong kaso, at halos 67,000 ang namatay.

Sa kasagsagan ng pandemya, naglabas ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng Oratio Imperata laban sa COVID-19 upang hilingin ang proteksyon at kagalingan ng lahat mula sa nakahahawa at nakamamatay na karamdaman.

Nakipagtulungan din ang simbahan sa pamahalaan sa pagpapalaganap ng vaccine confidence sa mga pamayanan upang suportahan ang COVID-19 vaccination campaign.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 38,511 total reads

 38,511 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 72,799 total reads

 72,799 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 129,205 total reads

 129,205 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 250,871 total reads

 250,871 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 177,421 total reads

 177,421 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top