Nazareno 2025: Maging inspirasyon sa paglalakbay, pagpapalalim ng pananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,266 total reads

Tinatayang umaabot sa 18,000 deboto ang nakiisa sa pagdiriwang ng pista ng Poong Jesus Nazareno sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay Fr. Anthony Bagtong, SSJV-vicar ng Archdiocesan Shrine and Parish Jesus Nazareno Cagayan de Oro, ang mga deboto ay hindi mula sa kanilang lalawigan kundi maging sa iba pang mga lalawigan sa Mindanao at Visayas.

Nagsimula ang misa para sa kapistahan ng Poong Jesus Nazareno sa ikaapat ng madaling araw sa St. Augustine Cathedral na pinamunuan ni Msgr. Alan Pulgo, na sinundan ng prusisyon patungong Archdiocesan Shrine of Jesus Nazareno Parish sa CM Recto, Cagayan de Oro City, at nagtapos sa ikapito ng umaga.

Panawagan naman ni Fr. Bagtong sa bawat deboto na nawa ang pakikiisa ng mga deboto sa kapistahan ng Poong Hesus Nazareno ay maging inspirasyon ng bawat isa sa pagpapatatag ng pananampalataya.

“For the Filipino Catholics, I hope and pray, that the feast day or celebration of Poong Jesus Nazareno will really inspire us in our journey of faith, especially as we begin the Year of Hope. May the love and mercy of Jesus Nazareno strengthen our faith in Him, our trust in Him,” ayon kay Fr. BAgtong sa panayam ng Barangay Simbayanan.

 

Patuloy na Pasasalat

Panawagan pa ng pari sa bawat deboto ng Poong Jesus Nazareno ang patuloy na pasasalamat sa lahat ng biyayang natanggap mula sa Panginoon, at maibahagi ang kabutihang ito sa kapwa.

Dagdag pa ni Fr. Bagtong, “And yung pagsali natin sa Traslacion-the ‘transfer’ we also grant us the grace of transformation as individuals, as a family and as a nation.”

 

Sa nalalapit na halalan

Umaasa rin ang pari na ang pagbabagong ito, ay maging daan din sa pananaw ng bawat Filipino sa pagpili ng mga ihahalal sa nalalapit na midterm elections sa Mayo.

Nawa ayon pa kay Fr. Bagtong ay piliin ng mamamayan ang mga pulitiko na hindi lamang Maka-bayan kundi dapat ay Maka-Diyos at Makatao.

“Especially upcoming na iyong election, so we ask the Poong Nazareno to help us with our choices hopefully and we come up with politicians, not just Makabayan but also MakaDiyos and Makatao. And we continue to allow God to surprise us with His Great love and Mercy,” ayon pa kay Fr. Bagtong.

Nagsimula ang pagdiriwang ng pista ng Nazareno sa Cagayan de Oro noong 2009 nang igawad ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno ang isang replica image sa simbahan ng Arkidiyosesis ng Cotabato.

Una na ring inaprubahan ng Vatican ang hiling ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang January 9 bilang pambansang kapistahan ng Poong Jesus Nazareno, gayundin ang pagkilala sa simbahan ng Quiapo bilang Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 9,453 total reads

 9,453 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 91,250 total reads

 91,250 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 192,976 total reads

 192,976 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 229,764 total reads

 229,764 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 259,952 total reads

 259,952 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top