Simbahan, palalakasin ang kooperatiba sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,803 total reads

Kasabay ng pagdiriwang ng Jubilee Year ng simbahang Katolika at International Year of Cooperative, ang panawagan para sa pagpapalakas ng pagtutulungan hindi lamang sa pananampataya kundi maging sa pangkabuhayan.

Ito ang binigyan diin ni Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radyo Veritas at executive director ng Caritas Manila sa panayam ng Buhay Kooperatiba ng Radyo Veritas.
Iginiit ni Fr. Pascual na siya ring pinuno ng Ministry on Cooperatives and Social Enterprises Development (MCSED) ng Archdiocese of Manila, napapanahon ang magkasabay na pagdiriwang sa panawagan sa pagpapalakas ng simbahan ng kooperatiba.

“Kayat ang taong ito, tamang-tama very timely, pinagsabay ang jubilee year at International Year of Cooperatives na mapalakas po natin ang kooperatiba ng simbahan,” ayon kay Fr. Pascual.
Ipinaliwanag ng pari na magkaugnay ang kooperatiba at ang Jubilee Year batay sa kasaysayan ng pananampalatayang Kristiyano, na ang ating mga ninuno ay hindi lamang sama-samang nagdarasal kundi ay nagtutulugan sa kanilang kabuhayan, kaya’t walang nagugutom, at walang nangangailangan.

“Ang kooperatiba ay hindi malayo sa misyon ng simbahan sa pagkakaisa at pagpapalaganap ng katarungang panlipunan at ang common good na ating tinatawag na kabutihang panlahat,” ayon pa kay Fr. Pascual.
Sinabi ng pari na layunin ng pagdiriwang ang pagpapalakas sa buong mundo ng kahalagahan ng kooperatiba, bilang positibong organisasyon na nagbibigkis sa mga pamayanan lalong-lalu na ‘yong maliliit na magtulungan sa kanilang kabuhayan.

Kasabay nito, bilang pagdiriwang sa International Year of Cooperatives, inaanyayan ng pari ang mga lider ng mga kooperatiba sa bansa, lalon na ang church based cooperative na makiisa sa pagtitipon na gaganapin sa Jan. 31 sa Quezon City Circle kasama ang Cooperative Development Authority.
Mula sa isang bilyong miyembro ng kooperatiba sa buong mundo, may 20-libong kooperatiba sa Pilipinas na may 12 milyong miyembro, kung saan ang simbahan ay mayroon ding Union of Catholic Church-Based Cooperative (UCC).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 5,783 total reads

 5,783 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 47,846 total reads

 47,846 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 154,722 total reads

 154,722 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 199,389 total reads

 199,389 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 221,395 total reads

 221,395 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top