Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,520 total views

Feast of the Baptism of the Lord Cycle C
Is 40:1-5.9-11 Ti 2:11-14;3:4-7 Lk 3:15-16.21-22

Ang pagbibinyag sa ating Panginoong Jesus ay nagpapaalaala sa atin ng ating binyag, ngunit hindi magkapareho ang ating binyag sa kanyang binyag. Ang pagbibinyag na ginagawa ni Juan Bautista sa mga tao noong panahon niya ay tanda ng pagsisisi ng kanilang mga kasalanan. Kinikilala ng mga tao ang kanilang pagkakasala dahil sa pahayag ni Juan; nagsisisi sila at inaamin nila ang mga kasalanan nila, at sila ay binibinyagan o hinugasan ni Juan sa ilog, tanda ng pagsisisi nila. Si Jesus ay wala namang kasalanan pero siya ay dumating sa mundo upang akuin ang ating mga kasalanan at tanggalin ito sa pag-aalay ng kanyang sarili sa krus para sa atin. Wala siyang kasalanan pero nakikiisa siya sa ating kalagayang makasalanan. Inako pa nga niya ang ating kasalanan. Sinabi nga ni Propeta Isaias: “Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan. Siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya.” Ito rin ang sinulat na Tito na ating narinig sa ating ikalawang pagbasa: “Ibinigay niya ang kanyang sarili upang iligtas tayo sa lahat ng kalikuan at linisin para maging kanyang bayan na nakatalagang gumawa ng mabuti.” Ang pagbibinyag ni Jesus ay ang simula ng kanyang pagmimisyon. Dito nakiisa na siya sa ating kalagayan. Dahil dito nagpabinyag siya. Ipinahihiwatig niya na siya rin ay makasalanan tulad natin.

Iba ang ating binyag. Talagang makasalanan tayo. Kailangan tayong linisin sa ating kasalanan, kaya tayo ay nagpapabinyag. Dahil sa ating binyag inagaw na tayo mula sa kuko ng demonyo at ginawa na tayong anak ng Diyos na nakikiisa sa buhay ng Diyos. Dahil dito hinihikayat tayo na pabinyagan ang ating mga anak sa lalong madaling panahon. Papatagalin pa ba natin na ang anak natin ay nasa kapangyarihan ng demonyon? Kaya ang binyag ng mga bata ay hindi nagdedepende kung may panghanda ba tayo o wala. Hindi pera o handa ang considerasyon dito kundi grasya ng Diyos, kaya nga tinanggal na ang bayad para sa binyag para hindi maging hadlang sa binyag ang pera.

Ang ating binyag ay may kaugnayan sa pananampalataya. Dahil sa nananalig tayo na si Jesus ay tagapagligtas, nakikiisa tayo sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay sa sakramento ng binyag. Ang mga sanggol ay binibinyagan sa pananampalataya ng kanyang mga magulang at mga ninong at ninang. Ang mga magulang at mga ninong at ninang ang sasagot para sa mga bata at may pananagutan sila na palalakihin ang mga anak nila ayon sa katuruan ni Jesus. Dahil dito pipiliin naman natin ang mga ninong at ninang ng mga anak natin na nagpapahalaga sa kanilang pananampalatayang Kristiyano at isinasabuhay ito.

Kahit na magkaiba ang binyag ni Jesus sa ating binyag, kasi wala naman si Jesus na kasalanan na dapat tanggalin pero tayo ay may kasalanan na dapat linisin ng tubig ng binyag, pero may isang malaking pagkapareho ang binyag natin sa binyag ni Jesus. Noong si Jesus ay bininyagan nagsimula na siya sa kanyang pagmimisyon. Iniwan ni niya ang Nazareth kung saan siya lumaki at naglakbay na siya sa mga nayon ng Galilee upang mangaral sa mga tao na dumating na ang paghahari ng Diyos. Ang kanyang binyag ay kaugnay sa kanyang misyon. Tayo rin, dahil sa tayo ay bininyagan may misyon din tayo, at iyan ay ang pagpatuloy ng misyon ni Jesus. Kaya nga ang bawat binyagan ay misyonero. Kailangan natin ipakilala si Jesus sa pamamagitan ng ating pamumuhay na naaayon sa kanyang mga aral, sa pamamagitan ng pagseserbisyo sa paggawa ng kabutihan, at sa ating pakikiisa sa mga gawain ng simbahan. Maging conscious po sana tayo na ang dakilang biyaya ng binyag na tayo ay naging anak na ng Diyos, ay may kaakibat na pananagutan, na kumilos tayo para lumawak ang paghahari ng Diyos, pati na sa larangan ng politika at ng kapaligiran. Kaya ang tunay na binyagan ay hindi nagwawalang kibo sa mga kasamaan na nangyayari sa ating lipunan at sa pagkasira ng ating kapaligiran.

Palaging ipaghanda natin ang daraanan ng Panginoon. Dumadating siya sa ating mundo at sa ating buhay. Ito ang nagbibigay sa atin ng tapang sa ating misyon sa mundo. Sinasabi natin: “Narito ang iyong Diyos.” Hindi siya pabaya. Dumarating ang ating Diyos na makapangyarihan at kakalingain niya tayo patungo sa kanya.

Noong binyagan si Jesus, nandoon ang isang tatlong Diyos. Habang nagdarasal si Jesus na anak ng Diyos na naging tao pagkatapos ng kanyang binyag, bumaba sa kanya ang Espiritu Santo sa hugis ng kalapati at may boses na nanggaling sa langit na nagsabi sa kanya: “Ikaw ang minamahal kong anak; lubos kitang kinalulugdan.” Involved ang Sang-tatlong Diyos sa binyag ni Jesus. Involved din ang Sang-tatlong Diyos sa binyag ng bawat isa sa atin. Nagiging kapatid tayo ni Jesus, naging Ama natin ang Diyos Ama at naging templo tayo ng Espiritu Santo na nananahan na sa ating katawan. Sana po palaging manatili ang ating relasyon sa Sang-tatlong Diyos sa ating buhay. Manatili sana tayong kapatid at kaibigan natin ni Jesus na tinutularan natin ang kanyang halimbawa. Gamitin natin nang maayos at pahalagahan ang ating katawan. Nananahan sa atin ang Espiritu Santo. Maging masunurin tayo sa Diyos Ama bilang mabubuting anak niya. Noong tayo ay bininyagan sinabi ng Diyos Ama sa bawat isa sa atin: “Ikaw ang minamahal kong anak.” Masasabi pa ba niya sa atin ngayon: “Lubos kitang kinalulugdan?” Sana po palagi tayong nabubuhay sa paraan na kinagigiliwan tayo ng Diyos.

Pagkakaibigan, pinakamabisang daan ng bokasyon-Cardinal Tagle

 17,110 total views

Iginiit ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-prefect ng Dicastery for Evangelization, na ang pagkakaibigan ang isa sa pinakamabisang daan ng bokasyon, sapagkat sa pamamagitan ng mga tunay na ugnayan nagiging buhay at konkretong karanasan ang pagkilala kay Hesus at ang pagtugon sa tawag ng Diyos.

Tinalakay ito ni Cardinal Tagle sa isinagawang Heart to Heart Talk sa unang araw ng 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) 2026 sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion, kung saan ibinahagi nina Sr. Mary Joannie Bolisay ng Sisters of Saint Paul of Chartres (SPC) at Fr. Dean Jerome Cruz ng Diocese of Cabanatuan ang mga pagkakaibigang naging bahagi ng kanilang paglalakbay tungo sa buhay relihiyoso at pagpapari.

Binigyang-diin ni Cardinal Tagle na bagama’t mahalaga ang mga vocation promotion materials tulad ng posters, videos, short stories at seminars, mas nagiging makapangyarihan ang personal na ugnayan at buhay na patotoo ng mga taong nagpapakita ng kasiyahan sa paglilingkod sa Diyos.

“While we appreciate the use of film, mga short stories na nakikita natin sa TV, yung mga posters announcing a diocese, a seminary, a religious order, they’re all good for giving information. But we should not discount the role of friendship in making the face of Jesus, the face of the Church, real to people,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Ibinahagi ni Sr. Bolisay na ang kanyang pagtugon sa bokasyon ay unti-unting nahubog sa pakikipagkaibigan niya sa mga seminarista ng Maria Asunta Seminary noong siya ay youth coordinator ng Diocese of Cabanatuan.

Ayon sa madre, ang masayang samahan at dedikasyon ng mga seminarista sa paglilingkod ang naging inspirasyon upang makita niya ang kagandahan ng buhay relihiyoso.

“Iyong joyful disposition ng mga seminarians, ‘yun po ‘yung isa sa mga nakahikayat sa akin na pwede naman palang subukan. At sila din po ‘yung nagpakilala sa akin ng congregation kung saan po ako papasok,” ayon kay Sr. Bolisay.

Samantala, ibinahagi naman ni Fr. Cruz na ang kanyang bokasyon bilang pari ay nagsimula rin sa pag-anyaya at paggabay ng mga kaibigang altar server at youth ministers noong siya ay nasa high school.

Binigyang-diin ng pari na mahalaga ang pagkakaroon ng mabubuting kaibigan maging sa patuloy na buhay-paglilingkod, lalo na sa panahon ng mga pagsubok at panghihina ng loob sa ministeryo.

“Truth and charity, magkakambal po ‘yan para sa growing relationship. You have to be truthful and of course you have to be charitable in expressing the truth para po balanse. Kasi kapag truth lang po, baka po masaktan kung walang charity. Pero kung charity lang, baka puro compromise naman po at wala pong truth. Baka po fake friendship na po ‘yun,” saad ni Fr. Cruz.

Sa pagtatapos ng talakayan, hinikayat ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na huwag matakot makipagkaibigan at maging saksi ng pag-ibig ni Kristo, dahil ang mga ugnayang binubuo ngayon ay maaaring maging binhi ng mga bokasyon sa hinaharap.

“The seeds of friendship that you sow now will be the harvest of vocation in the future,” ayon kay Cardinal Tagle.

Tema ng PCNE XII ang “Sangkay: I have called you Friends (John 15:15),” na naglalayong palalimin ang diwa ng pagkakaibigan bilang daan tungo sa pagbabagong-loob sa misyon at sa pagbuo ng isang higit na sinodal na Simbahang Katolika sa Pilipinas.

Pag-ibig, pundasyon ng tunay pakikipagkaibigan

 16,981 total views

Binigyan-diin ng Prior Provincial ng Dominican Province of the Philippines Father Filemon Dela Cruz Jr., O.P – , ang ‘pag-ibig’ bilang pundasyon ng tunay na pakikipagkaibigan at matatag na ugnayan ng bawat mananampalataya sa kaniyang mensahe para sa 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) sa University of Santo Tomas.

Ito ay sa kaniyang pagninilay sa session ng “Confessio Peccati et Laudis: Healing and Nurturing Relationships,” na nakatuon sa pagpapanumbalik at pagpapatibay ng mga ugnayan.

Ayon kay Fr. dela Cruz, ang tunay na pagkakaibigan ay nakaugat sa pag-ibig na nag-uudyok sa tao na pahalagahan, ingatan, at alagaan ang kapwa.

Iginiit niyang ang pagmamahal ay hindi lamang damdamin kundi isang desisyon na kilalanin ang dignidad at kahalagahan ng bawat tao, na siyang nagpapatatag sa mga ugnayang humuhubog sa pamayanan ng pananampalataya.

“Friendship is friendship in love, kaya kapag ika’y nagmahal, iingatan mo ang halaga ng isang tao pinapahalagahan mo ang taong yan, kaya mahal kita l, mahalaga ka sakin,” ayon sa pagninilay ni Fr.Dela Cruz

Binigyang-diin din ng pari na ang pagpapahalaga sa kapwa ay nagiging daan upang mapagaling ang mga nasirang relasyon at makabuo ng mga pamayanang nagkakaisa sa diwa ng pakikinig, pag-unawa, at pagmamalasakit. dahil ang tunay na pagkakaibigan ay naipapakita sa konkretong pag-aaruga at patuloy na pag-akay sa isa’t isa tungo sa pag-ibig ni Kristo.

Kaugnay nito, umaasa si Fr. dela Cruz na magsisilbing inspirasyon ang PCNE 2026 upang higit pang mapalalim ang kultura ng pagkakaibigan at pagmamahalan sa loob ng Simbahan, kasabay ng paghahanda ng mga mananampalataya para sa Evangelization 2033, sa pamamagitan ng paghubog ng mga disipulong handang magmahal, maglingkod, at maghatid ng pag-asa sa kapwa.

Pagkakaibigan, mahalagang pundasyon ng sama-samang misyon sa pagpapalaganap ng ebanghelyo- Papal Nuncio sa mananampalataya

 18,501 total views

Binigyang-diin ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown na ang tunay na pagkakaibigan na nakaugat kay Hesukristo ang mahalagang pundasyon ng sama-samang misyon ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo.

Sa kanyang mensahe para sa 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII), sinabi ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas na ang pagkakaibigan ay isa sa pinakadakilang kaloob ng Diyos sa tao, kasunod lamang ng mismong buhay, sapagkat ito ang nagpapatatag sa mga pamayanan at nagbibigay ng tunay na kagalakan at pag-asa.

Ipinaliwanag din ni Archbishop Brown na ang tunay na pagkakaibigan ay hindi nakabatay sa pakinabang o pansariling interes kundi sa kalayaan, kabutihang-loob, at tapat na pagmamahal sa kapwa.

“Friendship is truly one of life’s greatest treasures, next only to the gift of life itself. Even wealth without friends feels empty when compared to the joy of good friendship. Friendship strengthens communities and transforms ordinary connections into lasting happiness. Without it, life becomes incomplete and burdensome. This is not merely because we are social beings, but because friendship is a vital bond rooted in freedom, generosity, and goodwill. Friendship is more than duty or utility.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Brown.

Binigyang-diin din nito ang turo ni San Agustin na ang tunay na kaibigan ay nananatiling tapat sa anumang kalagayan ng buhay.

Ayon kay Archbishop Brown, ang pagkakaibigan ay higit pang nagiging ganap sa pananampalatayang Kristiyano sapagkat ito ay nagiging pakikipagkaisa kay Kristo na humahamon sa mga mananampalataya na sama-samang maglingkod, ipagtanggol ang pananampalataya, at pangalagaan ang pagkakaisa ng Simbahan.

“In our mission as Christians, friendship means communion in Christ. Together we strive for the faith, resist false teachings, and guard against discord,” Dagdag pa ni Archbishop Brown.

Ipinaalala rin ng kinatawan ng Santo Papa na ang sukdulang larawan ng pagkakaibigan ay ipinakita mismo ni Hesus sa pamamagitan ng Kanyang pag-aalay ng buhay para sa Kanyang mga kaibigan.

Kasabay nito ay binati ni Archbishop Brown si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, ang mga obispo, pari, mga nakatalaga sa buhay-relihiyoso, layko, at lalo na ang mga kabataang kalahok sa kumperensya, at hinikayat ang lahat na patuloy na isabuhay ang diwa ng pagkakaibigang nagmumula kay Kristo bilang daan sa masiglang misyon ng ebanghelisasyon.

Isinagawa ang 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) noong Hulyo 24 hanggang 26, 2026 sa University of Santo Tomas sa Maynila na may temang “Sangkay: I Have Called You Friends” (Jn. 15:15), na naglalayong palalimin ang pakikipagkaibigan kay Hesus at paigtingin ang pakikibahagi ng bawat mananampalataya sa misyon ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 74,727 total views

 74,727 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 103,018 total views

 103,018 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 148,949 total views

 148,949 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 182,032 total views

 182,032 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 205,621 total views

 205,621 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily July 19, 2026

 9,066 total views

 9,066 total views 16th Sunday in Ordinary Time Wis 12:13. 16-19 Rom 8: 26-27 Mt 13:24-43 Sa pananaw ng mundo pinapakita ng tao na dahil siya’y

Read More »

Homily July 12, 2026

 16,644 total views

 16,644 total views 15th Sunday in Ordinary Time Is 55:10-11 Rom 8:18-23 Mt 13:1-23 Makapangyarihan ang simbahan. Tumagal siya ng higit na dalawang libong taon. Mula

Read More »

Homily July 5, 2026

 27,249 total views

 27,249 total views 14th Sunday in Ordinary Time Cycle A Zec 9:9-10 Rom 8:9.11-13 Mt 11:25-30 “Hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon sa

Read More »

Homily June 28, 2026

 35,481 total views

 35,481 total views 13th Sunday in Ordinary Time Cycle A St Peter’s Pence Sunday 2 Kgs 4:8-11.14-16 Rom 6:3-4. 8-11 Mt 10:37-42 Madaling sagutin ang tanong:

Read More »
Scroll to Top