Patuloy na pagbibenta ng skin whitening products, binatikos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,136 total reads

Binatikos ng EcoWaste Coalition ang patuloy na pagbebenta ng mga ilegal na produktong pampaputi at pampaganda ng balat na mapanganib sa kalusugan.

Ayon kay EcoWaste national coordinator Aileen Lucero, ang patuloy na paggawa, pag-aangkat, at pagbebenta ng mga nakalalasong produktong may mercury ay nakakabahala at hindi katanggap-tanggap para sa kapakanan at kaligtasan ng kalusugan ng publiko.

Sinabi ni Lucero na sa kabila ng pagsisikap ng Food and Drug Administration at mga environmental health group, patuloy pa rin ang pagpasok ng mga nakalalasong produkto na mapanganib sa kalusugan at kapaligiran.

“Law enforcement needs to be strengthened nationally and across borders to deal with this toxic menace,” pahayag ni Lucero.

Batay sa huling pagsusuri ngayong Enero, na itinalaga bilang Zero Waste Month, natuklasan ng grupo ang 584 parts per million (ppm) ng mercury sa produktong Aura White Night Cream Intensive Whitening Facial Cream na binili mula sa isang online seller sa halagang ₱265.

Sa ilalim ng ASEAN Cosmetic Directive, ang mercury bilang heavy metal contaminant ay hindi dapat lumagpas sa one (1) ppm.

Ipinaliwanag naman ni Lesley Onyon, Chemical Safety and Health Unit head ng World Health Organization (WHO) Department of Environment, Climate Change and Health, na ang pinsalang dulot ng mercury salts sa skin lightening products ay hindi lamang limitado sa balat, kundi maaari ring makapinsala sa kidneys at nervous system, at maiuunay sa pagkakaroon ng anxiety, depression, at psychosis.

Dagdag pa ng opisyal ng WHO, na bukod sa gumagamit ng produkto, maaari ring maapektuhan ng mercury ang kalikasan.

“For example, when creams or skin-lightening soaps are washed off…There is a significant danger of methylmercury bioaccumulation in fish which, when eaten, can impact children’s neurological development. So, while skin lightening may be a personal choice, it has an impact on others,” ayon kay Onyon.

Muli namang hinikayat ng EcoWaste Coalition ang publiko na higit na pahalagahan at yakapin ang likas na kulay ng balat at huwag magpadala sa mapanganib na kemikal na pampaputi.
Nakasaad sa Katuruang Panlipunan na bagamat sang-ayon ang simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, kinakailangang matiyak na ang negosyo nito’y walang masamang epekto sa kalusugan ng tao at kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 28,521 total reads

 28,521 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 51,113 total reads

 51,113 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 87,613 total reads

 87,613 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 308,238 total reads

 308,238 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 341,209 total reads

 341,209 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 98,463 total reads

 98,463 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top