Pilgrims passport, makukuha na sa Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,223 total reads

Inanunsyo ng Archdiocese of Cebu na maari nang makakuha ng pilgrim’s passport ang mananampalataya na gagamitin sa pagbisita ng mga itinalagang pilgrim churches ng arkidiyosesis ngayong Jubilee Year.
Layunin ng proyekto na matulungan ang mananampalataya sa pagninilay at pananalangin sa paglalakbay ngayong natatanging taon ng hubileyo sa temang ‘Pilgrims of Hope.’
Nilalaman ng pilgrim passport ang talaan ng mga pilgrim churches sa buong lalawigan na maaring dalawin kung saan sa bawat pagbisita ay maaring kumuha ng stamp bilang palatandaan ng pagdalaw sa pilgrim church.
“This meaningful tool fosters devotion and unity among pilgrims as they journey through the Archdiocese during the Jubilee celebration,” ayon sa Archdiocese of Cebu.
Makikita rin sa Pilgrim Passport ang QR Code na maaring i-scan ng mananampalataya para sa international prayer platform na Hallow App kung saan mapakikinggan ang mga panalangin at pagninilay ni Cebu Archbishop Jose Palma.
Nagkakahalaga ng P199 ang pilgrim passport kung saan ang malilikom na pondo ay gagamitin sa mas malawak na pagmimisyon ng simbahan.
“This initiative plays a significant role in our shared mission, as its proceeds will help fund the various initiatives for the Jubilee celebrations,” ayon sa arkidiyosesis.
Maaring makakuha ng pilgrim passport sa Parish Office ng mga itinalagang pilgrim churches, sa tanggapan ng Commission on Worship sa Cebu Metropolitan Cathedral compound, at sa tanggapan ni Archbishop Palma.
Paalala ng arkidiyosesis sa mananampalatayang makabisita ng 15 pilgrim church ay maaring kumuha ng Pilgrimage Certificate habang ang makabisita sa 31 simbahan ay may karagdagang token na matatanggap.
Patuloy ang paanyaya ng simbahan sa mananampalataya na dumalaw sa mga pilgrim churches upang matamo ang plenary indulgence ngayong Jubilee Year alinsunod sa mga alintuntunin ng pagtanggap tulad ng pagdulog sa sakramento ng kumpisal, pagtanggap ng Banal na Komunyon, panalangin sa natatanging intensyon ng santo papa, pag-usal ng Ama Namin at Credo.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 20,586 total reads

 20,586 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 20,713 total reads

 20,713 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 37,148 total reads

 37,148 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 93,554 total reads

 93,554 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 217,055 total reads

 217,055 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 300,616 total reads

 300,616 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top