Mananampalataya, inaanyayahang makiisa sa World Day of Consecrated Life

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,914 total reads

Inaanyayahan ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ang mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ngayong taon ng World Day of Consecrated Life.

Ayon kay CMSP Co – Executive Secretary Fr. Angel Cortez, OFM mahalagang tungkulin ang ginagampanan ng mga layko sa simbahan lalo na sa larangan ng pagmimisyon tulad ng mga halimbawa ng consecrated persons.

“Iba – iba ang pagtugon ng mga layko pero napakalaki ng ambag nila sa mga gawaing pagmimisyon sa simbahan bilang katuwang ng mga pari at madre kaya nag-aanayaya ako sa ating mga Kapanalig na gustong makita yung pagkakaiba at kakayahan ng mga kongregasyon at mga layko na tumugon sa panawagan ng pagmimisyon sa pamamagitan ng pagtalaga ng kanilang buhay sa pagtitipong gagawain ngayong February 2,” pahayag ni Fr. Cortez sa panayam ng Radio Veritas.

Pagninilayang tema ngayong taon ang ‘Consecrated Persons as Pilgrims of Hope’ hango sa pagdiriwang ng Jubilee Year of Hope’ ngayong 2025.

Isasagawa ang pagtitipon sa February 2 mula alas otso ng umaga sa Siena College sa Quezon City kung saan tampok sa pagdiriwang ang mga panayam ng iba’t ibang kinatawan ng mga kongregasyon.

Ilan sa magbibigay ng mensahe si Sr. Cecilia Espenilla, OP ang kasalukuyang Co-Chairperson ng CMSP, Cubao Bishop Emeritus Honesto Ongtioco ang chairperson ng Episcopal Commission on Mutual Relations Between Bishops and Religious ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Magbabahagi naman ng mga karanasan sa foreign missions ang mga consecrated persons na sina Fr. Hirohito Bolo, CICM ang Provincial Superior ng Congregation of the Immaculate Heart of Mary; Br. Edmundo Fernandez, FSC, Pangulo ng De La Salle Greenhills; Sr. Maria Paule, AMP ang Superior General ng Augustinian Missionaries of the Philippines.

Para naman sa testimonial sharing mula sa Older Consecrated Person si Sr. Sonia Aldeguer, RSCJ, kasapi ng Society of the Sacred Heart; mula sa Secular Institutes si Frederick Perez ng Sons of Notre Dame de Vie, pangulo ng Asian Conference of Secular Institute; habang sa Formandi naman si Sr. Rhea Fatima Novarro, RA kasapi ng Exodus.

Pangungunahan ni Claretian Bishop Elias Ayuban, Jr. ng Diocese of Cubao ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa alas 10 ng umaga habang si CMSP Co – Chairperson Franciscan Fr. Lino Gregorio Redoblado naman ang magbahagi ng kanyang closing message sa pagdiriwang ngayong taon.

Ito na ang ika – 29 na World Day of Consecrated Life na pinasimulan noong 1997 ni noo’y Santo Papa, St. John Paul II kasabay ng pagdiriwang ng Presentation of the Lord o Candlemas Day.

Sa mga nais makibahagi bisitahin lamang ang official Facebook Page ng CMSP para sa karagdagang detalye.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 35,373 total reads

 35,373 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 69,864 total reads

 69,864 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 126,270 total reads

 126,270 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 248,067 total reads

 248,067 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top