LENTE at COMELEC, lumagda sa MOA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,781 total reads

Opisyal na lumagda ng kasunduan ang Legal Network for Truthful Election (LENTE) at Commission on Elections (COMELEC) bilang bahagi ng patuloy na paghahanda para sa nalalapit na Midterm Elections sa Mayo.

Pinangunahan ni LENTE Senior Program Director for the Abuse of State Resources Project Atty. Ryan Jay Roset ang paglagda sa Memorandum of Agreement para sa pinaigting na pagtutulungan sa pagbabantay at pagtiyak ng kaayusan at katapatan sa papalapit na halalan.
Ang nasabing kasunduan ng COMELEC sa pagitan ng iba’t ibang mga election watchdog ay alinsunod na rin sa COMELEC Resolution No. 11104 na nagbabalangkas ng mga alituntunin para maiwasan ang Abuse of State Resources (ASR).

Naganap ang paglagda sa nasabing kasunduan noong February 7, 2025 kung saan muli ring inilunsad ang Committee on Kontra Bigay sa tanggapan ng COMELEC sa Intramuros, Manila.
Kaugnay nito bahagi ng nilagdaang kasunduan ang pakikipagtulungan ng LENTE sa Committee on Kontra Bigay na mangangasiwa sa pagpapaigting sa kampanya ng COMELEC laban sa talamak na vote buying at vote selling tuwing panahon ng halalan sa bansa.

“This partnership builds upon COMELEC Resolution No. 11104, approved by the en banc last January 28, 2025, which outlines guidelines to prevent the Abuse of State Resources (ASR). Moving forward, LENTE will work closely with the COMELEC Kontra Bigay Committee and government stakeholders to develop more strategic and responsive monitoring mechanisms to curb vote-buying and the abuse of state sources.” Bahagi ng pahayag ng LENTE.

Ayon sa pagsusuri ng LENTE ang Abuse of State Resources (ASR) ay ang tahasang paggamit ng mga kandidato sa mga koneksyon at ari-arian na pagmamay-ari ng estado tuwing panahon ng halalan na maituturing din na isang uri ng kurapsyon o katiwalian.

Kaugnay nito tiniyak ng LENTE ang pakikipagtulungan sa COMELEC at sa iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan upang maisulong ang pagkakaroon ng ligtas, marangal at matapat na halalan sa bansa.

Bukod sa Midterm Elections na nakatakda sa May 12, 2025 ay babantayan rin ng LENTE ang nakatakdang 1st BARMM Parliamentary Elections.

Bukod sa LENTE, lumagda rin sa nasabing kasunduan sa pagitan ng COMELEC ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na pangunahing tagapagbantay ng Simbahan sa halalan sa bansa.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 17,283 total reads

 17,283 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 17,410 total reads

 17,410 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 31,650 total reads

 31,650 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 88,056 total reads

 88,056 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 211,557 total reads

 211,557 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 295,403 total reads

 295,403 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top