Ipagtanggol ang mga katutubo, panawagan ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,302 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga pamayanan na magtulungan sa pagtatanggol sa karapatan ng mga katutubo.

Ito ang bahagi ng mensahe ng santo papa sa ikapitong Indigenous Peoples’ Forum (IFAD) na ginanap sa IFAD Headquarters sa Roma nitong February 10 at 11.

Tema ng pagtitipon ngayong taon ang “Indigenous Peoples’ right to self-determination: a pathway for food security and sovereignty” na layong kilalanin ang kahalagahan ng mga katutubo lalo na ang mga minanang kaugalian at tradisyong nakatutulong sa paghubog bilang pamayanan.

Pinunana ni Pope Francis ang mga gawaing nakasisira sa mga katutubong komunidad tulad ng pagkakamkam ng lupa.

“The defence of the right to preserve one’s own culture and identity necessarily involves recognising the value of their contribution to society and safeguarding their existence and the natural resources they need to live. This is seriously threatened by the increasing grabbing of farmland by multinational companies, large investors and states. These are damaging practices that threaten the right to a dignified life of communities,” pahayag ni Pope Francis.

Binigyang diin ng santo papa na ang lupa, tubig at pagkain ay hindi lamang pangkaraniwang kalakal kundi ito ay mahalagang pinagmumulan ng buhay at kabuhayan ng mamamayan at ugnayan ng tao sa kalikasan kaya’t ang sama-samang pangangalaga at pagtatanggol sa mga katutubo ay paraan ng pagpapanatiling masagana para sa susunod na henerasyon.

“Defending these rights is therefore not only a matter of justice, but a guarantee of a sustainable future for everyone. Inspired by a sense of belonging to the human family, we can ensure that future generations will enjoy a world in keeping with the beauty and goodness that guided God’s hands in creating it,” ani Pope Francis.

Ayon sa IFAD layunin ng pagtitipon na maisulong ang dayalogo kung saan inihahayag ng kinatawan ng iba’t ibang indigenous communities sa mundo ang kanilang hinaing at hamong kinakaharap ng kanilang komunidad.

Sa datos ng United Nations ang Pilipinas ay may mahigit sa 17 milyong katutubo na binubuo ng 110 ethnolinguistic groups na mayorya ay nahaharap sa matinding hamong mawawala ang kanilang ancestral lands dahil sa malawakang pagpapaunlad sa mga kanayunan.

Umaasa si Pope Francis na sa diwa ng Jubilee Year sa temang Pilgrims of Hope ay magiging daan ang IFAD sa pagbibigay pag-asa lalo na sa mga katutubong kadalasang naisasantabi sa lipunan gayundin ang mga lider ng bawat bansa na gumawa ng hakbang na mapangalagaan at maprotektahan ang kapakanan at karapatan ng katutubong komunidad.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 15,868 total reads

 15,868 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 15,995 total reads

 15,995 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 28,885 total reads

 28,885 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 85,291 total reads

 85,291 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 208,792 total reads

 208,792 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 292,761 total reads

 292,761 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top