Ipagkatiwala sa Mahal na Ina ang kagalingan ng mundong maysakit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,801 total reads

Nanawagan si Puerto Princesa, Palawan Bishop Socrates Mesiona sa mga mananampalataya na ipagkatiwala sa Mahal na Ina ang kagalingan ng mundo, na kanyang inilarawan bilang may sakit.

Sa pagninilay para sa Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes sa Ipilan, Brooke’s Point, Palawan, binigyang-diin ni Bishop Mesiona na ang pagbabago ng klima ay palatandaan ng pagkakasakit ng kalikasan.

“The environment is like our body; nagpapapansin kapag inabuso natin… Itong walang tigil na ulan, na baha, minsan sobrang init, nagpapansin sa atin ang kalikasan. Ano ba ang ating ginagawa upang ingatan natin ang mundong ipinagkatiwala sa atin?,” ayon kay Bishop Mesiona.

Kamakailan lamang, nakaranas ng malawakang pagbaha ang Puerto Princesa City at iba pang bayan sa Southern Palawan dahil sa shear line.

Hinikayat ni Bishop Mesiona ang lahat na hingin ang pamamagitan ng Mahal na Birhen ng Lourdes para sa kagalingan ng mundo.

Gayunaman, ipinaliwanag ng obispo na hindi sapat ang panalangin lamang upang gumaling ang kalikasan, kundi kinakailangan din ang pagkilos at pananagutan bilang katiwala ng sangnilikha.

“Even if we bring our petitions to the Lord, it will be in vain if we neglect our responsibilities. Healing is a gift from God, but it is also our task to make God’s healing power happen to us,” saad ni Bishop Mesiona.

Ang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes ay paggunita sa pagpapakita ng Birheng Maria kay St. Bernadette Soubirous noong 1858, kung saan kasabay rin nito ang pagdiriwang ng World Day of the Sick.

Ngayong ika-33 taon ng paggunita sa World Day of the Sick, napiling tema ang “’Hope does not disappoint’ (Romans 5:5), but strengthens us in times of trial”, na nagpapaalala sa lahat na ang pag-asa sa Diyos ay nagbibigay-lakas sa gitna ng pagsubok.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 25,324 total reads

 25,324 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 76,657 total reads

 76,657 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 124,528 total reads

 124,528 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 228,476 total reads

 228,476 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 313,274 total reads

 313,274 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 165,586 total reads

 165,586 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top