Pagmamalasakit sa kapwa, parangal kay Inang Maria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,589 total reads

Ipinapaalala ng Mahal na Birheng Maria na magtiwala at umasa sa kapangyarihan at pagmamalasakit ng Panginoong Hesukristo.

Ito ang pagninilay ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa paggunita sa Mahal na Birhen ng Lourdes, kasabay ng 33rd World Day of the Sick sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral nitong February 11.

Ayon kay Cardinal Advincula, ang pagdiriwang ng Hubileyo ng Pag-asa ngayong taon ay sumasalamin sa pagnanais ng mga may karamdaman na gumaling at malampasan ang kanilang pinagdaraanan upang makabalik sa normal na pamumuhay.

“Sa bawat araw ng kanilang buhay, wala silang ibang hiling kundi ang kaganapan ng buhay para sa kanilang sarili at sa kanilang mga mahal sa buhay. Ito rin ang hangarin ng ating Diyos na siyang lumikha, nagligtas, at nagpapausbong ng buhay. Hindi niya kalooban ang paghihirap, sakit, at karamdaman,” ayon kay Cardinal Advincula.

Sinabi ng kardinal na ang mga nararanasang pagsubok ay maaaring pagkaantala dahil may ibang kalooban ang Diyos, na sa pamamagitan ng Mahal na Ina ay inaakay tayo upang manatiling matatag sa pananalig sa Panginoon.

Iginiit din ni Cardinal Advincula na kabilang sa mahahalagang itinuturo ng Mahal na Birhen ay ang pananalangin nang may pagkilos at pagsisikap upang matulungan hindi lamang ang sarili kundi pati ang kapwa, lalo na ang higit na nangangailangan.

Sa ganitong paraan, naipapakita ng bawat isa ang tunay na pagpaparangal sa Mahal na Ina at naipapalaganap ang pag-asa sa kapwa.

“Kung tatawagin natin siyang Ina, siguraduhin nating kaya nating itratong mga kapatid ang iba niyang mga anak. Hindi lamang natin siya Ina, tayo rin ay kanyang mga anak. Kailangang maging kahawig natin siya sa pagiging instrumento ng pag-asa,” dagdag ni Cardinal Advincula.

Nakatuwang naman ni Cardinal Advincula sa pagdiriwang sina Manila Cathedral rector, Msgr. Rolly dela Cruz; University of the Philippines-Philippine General Hospital head chaplain, Fr. Lito Ocon, SJ; National Center for Mental Health chaplain, Fr. Arnel Calata, Jr., at iba pang mga panauhing pari.

Sa banal na Misa, isinagawa rin ang pagpapahid ng langis sa mga may sakit, gayundin sa iba pang mananampalatayang dumalo sa pagdiriwang.

Ang pagtitipon ay inorganisa ng Archdiocese of Manila Ministry on Health Care, katuwang ang Sovereign Military Order of Malta Philippines, isang organisasyong kilala sa paglilingkod sa mga maysakit at nangangailangan.

Tema ng 33rd World Day of the Sick ang “Hope does not disappoint” (Romans 5:5), but strengthens us in times of trial, na nagpapaalala na ang tunay na pag-asa sa Diyos ang nagbibigay-lakas sa gitna ng pagsubok.

Itinalaga ng Simbahan ang araw na ito upang ipanalangin ang kagalingan ng mga may sakit at bigyang-pagpapahalaga ang mga nangangalaga sa kanila.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 15,995 total reads

 15,995 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 16,122 total reads

 16,122 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 29,133 total reads

 29,133 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 85,539 total reads

 85,539 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 209,040 total reads

 209,040 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 292,996 total reads

 292,996 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,671 total reads

 175,671 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top