Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gawing bahay ng pag-asa ang lipunan, paalala sa simbahan ng World Day of the Sick

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,008 total views

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang lahat na patuloy na yakapin ang mahabaging pag-ibig ng Diyos.

Ito ang mensahe ni Camillian priest, Fr. Dan Cancino, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Healthcare, para sa ika-33 World Day of the Sick na kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes.

Ayon kay Fr. Cancino, ang paggunita sa mga may karamdaman ay paanyaya para sa Simbahan na muling pagtibayin ang pangakong gawing “bahay ng pag-asa” ang lipunan, katuwang ang lahat ng mananampalataya at mga taong may mabuting kalooban.

“To all people who are sick, the condition of suffering in which you live and the wish to recover health make you particularly sensitive to the value of hope- “hope that never disappoints” (Romans 5:5),” mensahe ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Binigyang-diin din ng pari na ang pakikinig sa Salita ng Diyos, pananalangin, at pagtanggap ng mga sakramento ay nagbubuklod sa mga tao bilang isang puso at kaluluwa, na siyang nagiging daan tungo sa tunay na pagkakaisa at kusang-loob na pagbabahagi ng sarili para sa kapwa.

Dagdag pa ni Fr. Cancino, kasabay ng pagdiriwang ng Taon ng Hubileyo bilang “Mga Manlalakbay ng Pag-asa,” hinihikayat ang Simbahan na palawakin ang mga pagsisikap upang maisakatuparan ang pagkakaisa sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa kalusugan, pagtatanggol sa buhay at dignidad ng tao, at pagbibigay-pansin sa mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.

“We are called to enhance her efforts to translate the communion into concrete projects presenting the subjects of health and illness in the light of the Gospel; encourage the advancement and defense of life and the dignity of the human person; and make the preferential option for the poor and the marginalized,” ayon kay Fr. Cancino.

Tema ng 33rd World Day of the Sick ang “Hope does not disappoint” (Romans 5:5), but strengthens us in times of trial, na nagpapaalala sa lahat na ang pag-asa sa Diyos ay nagbibigay-lakas sa gitna ng pagsubok.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 40,749 total views

 40,749 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 108,237 total views

 108,237 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 129,302 total views

 129,302 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 151,300 total views

 151,300 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 185,696 total views

 185,696 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top