Pahalagahan ang paglalakbay sa mundo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,947 total reads

Pinaalalahanan ni CBCP Office on Stewardship Chairperson, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mamamayan na dapat pahalagahan ang paglalakbay sa mundo.

Ayon sa obispo hindi maihalintulad sa isang turista na namamasyal at pinagmamasdan ang kagandahan ng lugar ang paglalakbay ng tao sa halip ay dapat pagsumikapang maging makabuluhan upang matamasa ang buhay na walang hanggan.

Aniya sa diwa ng Jubilee Year sa temang Pilgrims of Hope pinaalalahanan ng simbahan ang mananampalataya na bawat isa ay perigrinong naglalakbay sa mundo.

“Ang paksa ng ating Jubilee Year ay Pilgrims of Hope. Pinapaalaala sa atin na tayo ay mga pilgrims sa buhay na ito, hindi mga turista. Ang pilgrim ay naglalakbay. May patutunguhan siya at iyan ay isang banal na lugar. Hindi tayo turista sa ating paglalakbay sa mundong ito – turista na patingin-tingin lang… May purpose ang buhay natin. Papunta tayo sa Diyos,” bahagi ng mensahe ni Bishop Pabillo.

Iginiit ni Bishop Pabillo na bilang kristiyano ay nararapat manatiling buhay ang pag-asa sa paglalakbay sa mundo tulad ng ipinangakong kaligtasan ng Panginoon.

Batid ng opisyal ang maraming hadlang upang matamasa ang buhay na walang hanggan kaya’t paalala nito sa mamamayan na huwag maligaw sa tinatahak na landas tulad ng paghahabol ng kayamanan, karangyaan, karangalan at kaaliwan na magiging sanhi ng pagkawalay sa Diyos.

Muling hinikayat ni Bishop Pabillo ang mamamayan na aktibong makibahagi sa pagdiriwang ng simbahang katolika sa Jubilee Year at tamasahin ang mga biyayang ipinagkakaloob tulad ng pagkakamit ng plenary indulgence sa pamamagitan ng pagbisita sa mga jubilee churches.

Matatandaang sa paglunsad ni Pope Francis ng Jubilee Year noong December 24 nang nakalipas na taon ay nagtalaga rin ang mga diyosesis ng iba’t ibang jubilee churches na maaring bisitahin sa buong taon upang makamtan ang indulhensya alinsunod sa mga alintuntunin ng pagtanggap tulad ng pangungumpisal, pagtanggap ng banal na komunyon, panalangin sa intensyon ng santo papa, pag-usal at Ama Namin at Credo.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 60,104 total reads

 60,104 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 105,557 total reads

 105,557 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 127,759 total reads

 127,759 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 164,251 total reads

 164,251 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 381,492 total reads

 381,492 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top