CBCP-ECHC, nakikiisa sa panalangin sa agarang paggaling ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,916 total reads

Nakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Healthcare (CBCP-ECHC) sa panalangin para sa agarang paggaling ni Pope Francis.

Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary at Camillian priest na si Fr. Dan Cancino, tulad ng karaniwang tao, ang Santo Papa ay nagkakasakit din ngunit patuloy siyang nagiging inspirasyon, lalo na sa mga may pinagdaraanang karamdaman.

“Mga kapanalig, ang ating Santo Papa ay nasa ospital ngayon. Tulad natin, tulad ng karamihan, nagkakasakit din at siya po ay may karamdaman ngayon. Tayo ngayon ay magtipon sa panalangin para sa agad nyang panunumbalik sa kanyang paglilingkod sa simbahan. Nag-iisang inspirasyon para sa marami, ‘di lang para sa atin. Nag-iisang inspirasyon para sa mga karamdaman din,” ayon kay Fr. Cancino sa panayam ng Radyo Veritas.

Hinikayat ni Fr. Cancino ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mabilis na paggaling ng Santo Papa mula sa kanyang iniindang sakit upang siya’y muling makabalik nang masigla sa kanyang tungkulin bilang punong pastol ng Simbahan.

Binanggit din ng pari ang mensahe ni Pope Francis sa naging tema ng World Day of the Sick ngayong taon na “Hope does not disappoint”, at hiniling na ito’y maging sandigan ng Santo Papa at ng mga mananampalataya, na ang pag-asa sa Diyos ay nagbibigay-lakas sa gitna ng anumang pagsubok.

“Ating pagtipunin ang ating mga panalangin para sa kanya at pakatandaan natin ang isang naging inspiration natin sa buhay-pananampalataya natin. Para sa ating si Pope Francis, Papa Francesco, Lolo Kiko, we love you and we are keeping you in our prayers,” saad ni Fr. Cancino.

Kasalukuyang nagpapagamot ang 88-taong gulang na Santo Papa sa Gemelli Hospital sa Roma mula noong Biyernes dahil sa bronchitis.

Sa huling ulat ng Holy See Press Office, natuklasan sa isinagawang CT Scan na may nagsisimulang bilateral pneumonia ang Santo Papa, kaya kinakailangan ang karagdagang gamutan.

Matatandaan noong siya’y 21 taong gulang, tinanggalan si Pope Francis ng bahagi ng kanang baga matapos magkaroon ng pleurisy, na halos kanyang ikamatay.

Una nang nanawagan ng panalangin para sa agarang paggaling ng Santo Papa sina CBCP-Episcopal Commission on Youth chairman, Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, at Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown para sa agarang pagbuti ng kalusugan ni Pope Francis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 2,918 total reads

 2,918 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 85,078 total reads

 85,078 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 186,805 total reads

 186,805 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 223,593 total reads

 223,593 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 254,145 total reads

 254,145 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 58,495 total reads

 58,495 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top