Pagmamadali ni Alvarez na maisabatas ang death penalty, palaisipan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 354 total views

Ipinagtataka ni Kabayan Partylist Representative Harry Roque ang pagmamadali ni House Speaker Pantaleon Alvarez na maipasa ang death penalty bill.

Ayon kay Roque, wala namang dapat na madaliin dahil kahit mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi naman atat na magkaroon ng death penalty law sa Pilipinas.

“Nagtataka ang marami kasi ang presidente natin, hindi naman talaga siya atat na atat magkaroon ng death penalty. Ang sabi nga ng presidente, ‘kung ayaw nyo, huwag, bahala kayo.’ Pero yung ating liderato talaga, they permit na sa mabilis na panahon na ito ay papasa sa mababang kapulungan,” pahayag ni Roque sa Radyo Veritas.

Dahil dito, iminungkahi ni Roque na huwag madaliin ang pagpasa sa panukalang batas at bagkus ay pag-aralan ito ng mabuti sa pamamagitan ng pagpapalawig ng pakikinig sa mga debate.

Dagdag pa nito, kung mamadaliin ang Death Penalty ay mawawalan lamang ito ng saysay kung hindi naman aayunan ng Senado.

Samantala, patuloy naman ang paghahayag ng Simbahan sa mariin nitong pagtutol sa kultura ng kamatayan.

Kaugnay dito, magsasagawa ngayong Sabado ng Walk For Life bilang pagpapakita ng pagmamahal sa buhay.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 10 libo ang nagparehistro na sasama sa walk for life sa sabado ika-18 ng Pebrero alas kwatro y medya hanggang alas otso ng umaga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 57,186 total views

 57,186 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 53,055 total views

 53,055 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 89,257 total views

 89,257 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 97,645 total views

 97,645 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 122,205 total views

 122,205 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 325,152 total views

 325,152 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top