Maging handa sa muling pagkabuhay ni Hesus, paanyaya ng Obispo sa manananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,359 total views

Hinikayat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na talikuran ang mga maling gawi, pagsisihan ang mga kasalanan at maging handa sa muling pagkabuhay ni Hesus.

Ayon kay CBCP Office on Stewardship Chairperson, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang nalalapit na pagsisimula ng panahon ng kuwaresma ay paanyayang gamitin ang mga sandata ng isang kristiyano upang labanan ang kasamaan, ang panalangin, ang pagpepenitensiya at ang pagkakawanggawa.

Sinabi ng obispo na mahalaga ang aktibong pakikibahagi ng mananampalataya sa mga gawaing pang espiritwal upang mas higit na mapalapit sa Diyos.

“Sa pamamagitan ng mga panalangin tayo ay nagbabalik handog at nakikipag-ugnay sa Diyos kaya sikapin nating makiisa sa mga gawain ng simbahan. Habang binibigyang panahon ang panalangin mas lumalago ang ating pag-ibig sa Diyos,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.
Sa March 5 bubuksan ng simbahan ang panahon ng kuwaresma sa pamamagitan ng Ash Wednesday o pagpapahid ng abo na isang panawagan ng pagbabagong buhay upang makamtan ang pangakong kaligtasan.

Batid ng opisyal na malaking hadlang sa pagdarasal ang sariling kagustuhan kaya kailangang supilin ang sarili sa pamamagitan ng pagpenitensya kasama na ang pag-aayuno o ang hindi pagkain ng karne sa Miyerkules ng Abo at sa lahat ng Biyernes sa loob ng kuwaresma.

Bukod pa rito ang pagpipigil ng sarili sa mga bisyo, labis na paggamit ng gadgets at maging ang katamaran.

“Mahalaga ang mga panalangin at penitensya dahil nagbubunga ito ng pag-ibig sa kapwa na ating maipapakita sa pamamagitan ng pagkakawanggawa. Ang ating matitipid sa pag-aayuno ngayong kuwaresma ay ating ibabahagi sa mga nagugutom, malnourished na kabataan sa ating FAST2FEED program at maging sa mga masasalanta ng kalamidad at iba pang proyekto ng Alay Kapwa Program,” saad ni Bishop Pabillo.

Umaasa si Bishop Pabillo na gawing makabuluhan ng mananampalataya 40 araw na paghahanda sa Paschal Triduum o ang pagpapakasakit, pagkamatay at pasko ng muling pagkabuhay ni Hesus.

“Hindi natatamo ang pagbabago ng tao sa panandaliang pamamaraan kaya sikapin natin ngayong kuwaresma ang pananalangin, penitensya, at kawanggawa sa ating kapwa,” dagdag ng obispo.

Kaugnay nito inaanayayahan ng Radio Veritas 846 ang mananampalataya na makiisa sa mga misa ng himpilan sa March 5, Ash Wednesday sa alas sais ng umaga na pangungunahan ni Bishop Antonio Tobias, sa alas dose ng tanghali naman si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF habang sa alas sais ng gabi si Novaliches Bishop Roberto Gaa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 213,430 total views

 213,430 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 243,654 total views

 243,654 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 270,298 total views

 270,298 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 365,271 total views

 365,271 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 372,471 total views

 372,471 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top