Veritas Priest anchor, nagpapasalamat sa Bishop Jorge Barlin service to the Church Award

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,371 total reads

Nagpasalamat si Jesuit Communications Executive Director Fr. Emmanuel Alfonso, SJ, sa pagkilala sa kanyang mga gawaing ebanghelisasyon at misyon sa simbahan.

Ito ang mensahe ng pari makaraang gawaran ng Bishop Jorge Barlin Service to the Church Award ng Ateneo de Naga University.

Ibinahagi ni Fr. Alfonso na noong kabataan ay nakikita lamang nito ang rebulto ni Bishop Jorge Barlin na isang Bikolanong pari na naging kauna-unahang obispong Pilipino noong 1906.

“Isa pong malaking karangalan ang maparangalan sa ngalan ng isang dakilang Pilipino at Bikolano,” bahagi ng pahayag ni Fr. Alfonso.

Ayon sa Ateneo de Naga University kinikilala sa University Awards ngayong 2025 ang mga indibidwal na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng kanilang dedikasyon sa mga gawain at adbokasiyang magdudulot ng pag-asa lalo ngayong ipinagdiriwang ang Jubilee Year ng simbahang katolika sa temang ‘Pilgrims of Hope.’

Bukod sa pagiging Heswitang Nageuño kinilala si Fr. Alfonso sa kanyang mga gawain bilang tagapamuno sa media arm ng mga Heswita tulad ng Holy Week Specials, cultural documentaries,

Filipino Jesuit Music gayundin ang THE WORD EXPOsED ni Cardinal Luis Antonio Tagle at ang dalawang tanyag na pelikula na IGNACIO at GOMBURZA na napapanuod sa buong mundo.

“Ipinagmamamalaki ko rin po ang mga nagawa namin sa Jesuit Communications para sa pagpapahayag at pagpapalaganap ng Salita ng Dios sa buong mundo. Lubos akong nagpapasalamat sa karangalang ito, higit sa lahat, salamat sa Diyos,” dagdag ni Fr. Alfonso.

Sa kasalukuyan si Fr. Alfonso ay kasalukuyang Executive Director of Jesuit Communications Philippines, trustee ng ADMU’s John J. Carroll Institute on Church and Social Issues, Coordinator ng Social Communications ng Jesuit Conference of Asia Pacific, at Jesuit Province Assistant for Social Communication.

Ang Bishop Jorge Barlin Service to the Church Award ay iginagawad sa mga Bicolanong pari at relihiyosong may natatanging ambag sa lipunan.
Inaasahang igagawad kay Fr. Alfonso ang service award sa isang pagtitipon sa June 15, 2025.

Si Fr. Alfonso ay kasalukuyang anchor priest ng Veritas Pilipinas program ng Radio Veritas 846 tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes habang Pasakalye naman sa alas singko ng umaga tuwing Linggo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 28,823 total reads

 28,823 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 65,761 total reads

 65,761 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 83,972 total reads

 83,972 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 168,300 total reads

 168,300 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 204,358 total reads

 204,358 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 3,911 total reads

 3,911 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top