Bagong Obispo ng Balanga Bataan, sisikaping maging mukha ni Kristo sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,511 total reads

Ipinagkatiwala ni Balanga Bishop Rufino Sescon, Jr. sa Panginoon ang kanyang gawaing pagpapastol sa lalawigan ng Bataan.

Ayon sa obispo sa nawa’y sa tulong ng Jesus Nazareno ay maipagpatuloy ang pagkakaisa at matibay na relasyon ng simbahan sa mananampalataya upang higit maitaguyod ang misyon ng Panginoon.

“Yun ang aking ipinagdarasal na magampanan ko sa aking pagka obispo ng (Diocese) Balanga kung paano nagkaisa ang mga dating obispo at ang mananampalataya ay maipagpatuloy ko lalo na sa misyon ni Kristo at pagsusumikapan kong maging mukha ni Kristo sa aking kapwa,” pahayag ni Bishop Sescon sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng obispo na alinsunod sa kanyang episcopal motto na ‘Gratia’ naniniwala itong ang kanyang pagkatalagang pastol ay biyaya mula sa Diyos na hindi sinasarili kundi nararapat na ibahagi sa lipunang kanyang ipapastol.

Apela ni Bishop Sescon sa mahigit kalahating milyong katoliko sa Bataan na magbuklod ayon sa diwa ng pag-ibig ng Diyos upang umunlad sa pananampalataya.

“Hinihimok ko ang mamamayan na sama-sama naming tuklasin, tanggapin at ibahagi ang grasya ng Diyos dahil ang makatutulong sa pagkakaisa at pag-lago ay ang biyaya at grasya ng Diyos,” giit ni Bishop Sescon.

Samantala sa hiwalay na panayam kay Bataan Governor Jose Enrique Garcia III, tiniyak nito ang pakikiisa sa simbahan sa kapakinabangan ng mamamayang kapwa pinaglilingkuran.

“Rest assured that our local government will continue to work closely with the diocese for many programs and services that will benefit our people,” ani Garcia.

Tinuran ng opisyal ang parenting program sa lalawigan na pinasimulan noong 2007 sa panunungkulan noon ni Archbishop Socrates Villegas na naging pastol ng Balanga.

Ayon sa gobernador sa halos dalawang dekadang pag-iral ng programa mahigit 50, 000 mga magulang na ang sumailalim nito na kapwa nakatulong sa simbahan at pamahalaan sa pagsasaayos ng mga pamilya.

Nanindigan si Garcia na mahalagang magkaisa ang simbahan at pamahalaan sa paglilingkod at paglingap sa nasasakupan.

Nitong March 1 ay pormal nang nailuklok si Bishop Sescon sa ritong pinangunahan ni San Fernando Archbishop Florentino Lavarias habang si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown naman ang nagluklok sa cathedra ng Cathedral Shrine and Parish of St. Joseph .

Sa pagninilay naman ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas pinaalalahanan nito ang mananampalataya na mas higit kilalanin si Hesus na nagsugo kay Bishop Sescon na ipastol ang diyosesis.

Dumalo rin sa pagluluklok sa obispo si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, ang kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at mahigit 20 mga obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa.

Matatandaang December 3, 2024 nang italaga si Bishop Sescon ni Pope Francis bilang obispo ng Balanga na sede vacante mula June 2023 nang mailipat si Bishop Ruperto Santos sa Diocese of Antipolo.

February 25 naman nang gawaran ng episcopal ordination si Bishop Sescon ni Archbishop Villegas kasama sina Bishop Santos at Bishop Honesto Ongtioco sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral kasabay ng ika – 39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 71,459 total reads

 71,459 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 150,021 total reads

 150,021 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 183,469 total reads

 183,469 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 218,766 total reads

 218,766 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 442,386 total reads

 442,386 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top