Pagsisisi at pagbabalik loob, paanyaya ng Lung Center of the Philippines Chaplain

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,470 total reads

Tiniyak ni Lung Center of the Philippines Chaplain, Camillian missionary Fr. Almar Roman ang patuloy na pakikilakbay sa lahat ng mga may karamdaman.

Sa pagsimula ng kristiyanong pamayanan ng panahon ng kuwaresma ngayong Ash Wednesday sinabi ng pari na pag-ibayuhin pa nito ang pakikilakbay sa mga may sakit lalo na ang mga nasa Lung Center.
“Bilang isang Kamilyanong relihiyoso at pari ito yung ipinapahayag natin sa pinaglilingkuran naming mga maysakit ang paghahanap ng kahulugan sa kabila ng hamon sa buhay; ang Ash Wednesday ay paalala sa kahinaan nating lahat,” pahayag ni Fr. Roman sa Radio Veritas.

Paalala ni Fr. Roman sa mga nakaratay sa banig ng karamdaman na ang “mga sakit na nararamdaman ng bawat pasyente lalo na dito sa Lung Center of the Philippines, kasama natin ang Diyos, hindi tayo pinababayaan ng Diyos.”

Aniya, nakipamuhay ang Diyos sa bawat isa sa pamamagitan ng pagkakatawang tao ni Hesukristo at ang pagpapahid ng abo ay nagpapahayag ng dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.
Iginiit ni Fr. Roman na ang Ash Wednesday ay paanyaya ng pagsisisi at pagbabalik loob gayundin ang pagtitiwala sa pag-asang hatid ng pagpapakasakit, pagkamatay at ang muling pagkabuhay ni Hesus na magbibigay kalakasan sa bawat isa.

Apela din nito sa mamamayan na ipanalangin ang kagalingan ni Pope Francis na kasalukuyang nagpapagaling sa Gemelli Hospital nang ma-confine noong February 14 dahil sa bronchitis na kalauna’y nagkaroon ng bilateral pneumonia.

“Sa pamamagitan ng pananalangin, pag-aayuno at pagkakawanggawa, mga disiplina ng kuwaresma tayong lahat ay inaanyayahan na ipagdasal ang mga maysakit bilang isa sa mga maaring gawin sa ating pananalangin lalo’t higit ang ating santo papa na si Pope Francis na may karamdaman sa mga sandaling ito,” giit ni Fr. Roman.

Pinangunahan ng Kamilyanong pari ang pagpapahid ng abo sa mga pasyente sa mga ward ng ospital katuwang ang mga kasapi ng pastoral care ng pagamutan.

Samantala patuloy ang paghahanda ng Camillian missionaries sa bansa sa pagdiriwang ng ika – 50 anibersaryo ng pagmimisyon sa Pilipinas sa March 8 kung saan kabilang sa mga tampok na gawain ang pagdiriwang ng banal na misa sa Immaculate Conception Cathedral sa Diocese of Cubao na pangungunahan ni Bishop Elias Ayuban, Jr., CMF kasama si Bishop Emeritus Honesto Ongtioco

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 20,450 total reads

 20,450 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 55,767 total reads

 55,767 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 112,173 total reads

 112,173 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 234,679 total reads

 234,679 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top