Mananampalataya, hinimok na makiisa sa golden anniversary ng Camillians Philippine Province

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,502 total reads

Inaanyayahan ng Camillians – Philippine Province ang lahat na makibahagi sa pagtatapos ng isang taong pagdiriwang ng ginintuang anibersaryo ng pagdating ng mga paring kamilyano sa Pilipinas.

Isasagawa ang pagdiriwang bukas, March 8, na magsisimula alas-7 ng umaga sa pamamagitan ng motorcade dala ang relikya ni San Camilo de Lellis mula sa Saint Camillus Provincialate sa Loyola Heights, Quezon City patungo sa Immaculate Conception Cathedral of Cubao o Cubao Cathedral.
Pagdating ng relikya sa katedral ay isasagawa ang public veneration, at susundan ng pagdiriwang ng Banal na Misa sa ganap na alas-8:30 ng umaga na pangungunahan ni Cubao Bishop Elias Ayuban, Jr., CMF.

Sa ala-una ng hapon, magpapatuloy ang programa sa St. Camillus Seminary sa Marikina Heights, Marikina City, bilang bahagi ng paggunita sa ika-50 anibersaryo ng Camillian mission sa Pilipinas.

Tema ng pagdiriwang ang “Puso sa Misyon: Limang Dekadang Pasasalamat, Pagninilay, at Pagtugon sa Misyon ng Diyos.

Taong 1974 nang dumating sa Pilipinas ang mga Kamilyano na nagbunga ng patuloy na paglago ng lokal na bokasyon at pagtatatag ng Camillian religious houses sa bansa.

Noong July 1, 2003, ganap nang itinatag ang Camillian Philippine Province bilang bahagi ng pagpapalaganap ng misyon sa paglilingkod.

Si San Camilo de Lellis ang nagtatag ng Ministers of the Sick, na kalauna’y nakilala bilang Ministers of the Infirm o Camillians, na ang tungkuli’y maglingkod sa mga may karamdaman at higit na ilapit ang kagalingang hatid ng Panginoong Hesukristo.

Si San Camilo ay kinikilalang patron ng mga may karamdaman, mga ospital, at healthcare workers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 29,562 total reads

 29,562 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 66,450 total reads

 66,450 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 84,661 total reads

 84,661 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 168,989 total reads

 168,989 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 205,015 total reads

 205,015 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,813 total reads

 80,813 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top