Bishop Pabillo, nagpapasalamat sa mapayapang pag-aresto kay dating pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,552 total views

Nagpasalamat si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mapayapang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayong March 11.

Ayon sa Obispo, masisimulan na ang imbestigasyon na dapat ay matagal ng maidaos upang malaman ang katotohanan hinggil sa mga ipinag-utos na ipatupad ng dating pangulo.

Napananahon narin ang pag-aresto sa bisa ng Arrest Warrant ng International Criminal Court (ICC) kay Duterte ayon sa Obispo dahil matagal ng naantala o halos walang paggalaw ang mga imbetigasyong hinggil sa madugong War on Drugs at paglabag sa karapatang pangtao ng dating admnistrasyon.

“Matagal na nating hinahantay yan na pananagutan niya, hindi naman ibig sabihin na inarrest si Duterte na siya ay may kasalanan, pero inarrest siya kasi dapat imbestigahan ang nangyari at sa Pilipinas nga, yung ating korte matagal ng nangyayari wala ng imbestigahan, kaya kailangan nang pumasok nung International Court para mag-imbestiga, Kaya salamat at ngayon nahuli na siya at kaniyang pananagutan yung mga sinasabi, hinahamon niya na hulihin na daw siya, ngayon pananagutan niya at dito natin makikita kung tama ang kaniyang ginawa o hindi o marapat panagutan kung mali, yun po dapat ang demokrasya na walang tao na above the law, na lahat ay dapat sumagot sa lahat ng banta sa kaniyang ginagawa,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.
Sinabi din ng Obispo na mabisa ring pagpapakita ng tunay na demokrasya ang naging pag-aresto kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan maaring makamit ang katarungan ng mga naging biktima ng nakalipas na admnistrasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 220,443 total views

 220,443 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 250,666 total views

 250,666 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 277,310 total views

 277,310 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 372,283 total views

 372,283 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 379,031 total views

 379,031 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top