Bagong Papal Chaplains, hinamong paigtingin ang paglilingkod sa kawan ng Dios.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,640 total reads

Hinimok ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang mga bagong Papal Chaplains ng diyosesis na mas paigtingin ang paglilingkod sa kristiyanong pamayanan.

Sa ginanap na Solemn Investiture sa anim na bagong monsignori pinaalalahanan ng obispo na hindi ito pangkaraniwang parangal at pagkilala ng simbahan kundi ito ay tawag ng mas malawak na pagmimisyon.

“Hindi ito titulo ninyo, ito rin ang pasanin ng anim na paring pinararangalan ngayon malamang kayo’y nanliliit sa karangalang iginagawad sa inyo ngayon, nararapat lang, ngunit nawa’y ang inyong panliliit ay gawin ninyong dahilan upang pag ibayuhin ang inyong paglilingkod,” bahagi ng mensahe ni Bishop Villarojo.

Isinagawa ang paggawad ng ‘biretta’ sa anim na monsginor ng diyosesis sa Immaculate Conception Parish Cathedral and Minor Basilica sa Malolos City sa misang pinangunahan ni Bishop Villarojo kasama si Iba Bishop Bartolome Santos.

Kabilang sa bagong Cappelani Di Sua Santita sina Msgr. Dario Cabral, Msgr. Domingo Salonga, Msgr. Narciso Sampana, Msgr. Leocadio De Jesus, Msgr. Florentino Concepcio, at Msgr. Javer Joaquin.
Paalala ni Bishop Villarojo sa mga monsignor “Bawat pagkakataong may tatawag sa inyo na Monsignor iwaksi ang pag-iisip na kayo ang Panginoon, nakakahiya, bagkus kilalanin ninyo ang Diyos na tumatawag sa inyo at tumugon kayo sa inyong mga puso.”

Ito ay pagkilala ng santo papa na iginagawad sa mga diyosesanong pari na nagpapakita ng ‘exceptional service’ at paninindigan sa simbahan.

Sa hiwalay na panayam ng Radio Veritas kay Msgr. Domingo Salonga sinabi nitong ang pagkatalagang prinsepe ng simbahan ay may kaakibat na malaking responsibilidad na gagampanan.
“Ang pagkahirang sakin bilang Papal Chaplain ni Pope Francis ay isang tawag sa mas malalim na paglilingkod sa Diyos at sa kapwa, nawa’y ito ay maging daan ng biyaya hindi lamang para sa aking sarili ngunit sa buong sambayanan,” ayon kay Msgr. Salonga.

Binigyang diin nitong ang karangalang kanilang tinanggap bilang mga mosignor ng simbahan ay nararapat na ibahagi sa kapwa lalo na sa pagpapatibay ng pananampalataya ng mamamayan upang higit na maging mabungang kasapi ng kristiyanong pamayanan.

Isinagawa ang Solemn Investiture nitong March 11 kasabay ng ika – 63 anibersaryo ng pagkakatatag ng Diocese of Malolos ang isa sa pinakamalaking diyosesis sa bansa na may humigit kumulang apat na milyong katoliko na binubuo ng lalawigan ng Bulacan at Valenzuela City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 20,469 total reads

 20,469 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 55,784 total reads

 55,784 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 112,190 total reads

 112,190 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 234,695 total reads

 234,695 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top