Bishop Santos, nakiramay at nakiisa sa mga biktima ng Russian missile strike sa Ukraine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,256 total reads

Nakiramay at nakiisa ang Stella Maris Philippines sa mga biktima ng Russian missile strike sa cargo ship MJ Pinar sa Odesa, Ukraine.

Ayon kay CBCP Bishop Promoter of Stella Maris-Philippines, Antipolo Bishop Ruperto Santos lubhang nakababahala ang sitwasyon ng mga seafarers na patuloy nagsusumikap para matustusan ang pangangailangan ng pamilya.

Tiniyak ng obispo ang pananalangin para sa naiwang kaanak habang katatagan at kagalingan sa mga nasugatan sa insidente.

“We extend our deepest condolences and unwavering solidarity to the seafaring community affected by this devastating event. We stand united in prayer for the souls of the departed and for the swift recovery of those injured. We also pray for the safety and well-being of all seafarers who continue to face perilous conditions in their line of duty,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.

Batay sa ulat tinamaan ng Russian missile attack ang cargo ship sa Black Sea na ikinasawi ng apat na Syrian crews habang nasugatan ang isa pang Syrian at Ukrainian crew ng barko.

Nagkarga ng mga trigo ang barko na dadalhin sa Algeria nang mangyari ang insidente.

Muling umapela si Bishop Santos sa international community na paigtingin ang mga hakbang upang mawakasan ang madugong tatlong taong digmaan ng Russia at Ukraine dahil pawang pagdurusa lamang ang idinudulot nito sa lipunan.

“We call upon the international community to work towards ensuring the safety and security of all maritime workers, and to seek peaceful resolutions to conflicts that endanger innocent lives,” ani Bishop Santos.

Samantala matapos ang tensyon sa pulong nina Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy at US President Donald Trump muling sinuportahan ng Amerika ang Ukraine lalo na ang pagkakaroon ng 30 araw na ceasefire sa pagitan ng Russia.

Bagamat patuloy na nagpapagaling si Pope Francis sa kanyang karamdaman nanatiling kabilang ang Ukraine at iba pang mga bansang may digmaan sa pangunahing ipinapanalangin ng santo papa at panawagan ang dayalogo sa pagitan ng mga magkatunggaling bansa upang manaig ang pagkakaisa at kapayapaan sa lipunan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 33,634 total reads

 33,634 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 136,365 total reads

 136,365 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 221,734 total reads

 221,734 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 268,471 total reads

 268,471 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 316,343 total reads

 316,343 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 413,443 total reads

 413,443 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top