Mamamayan, hinimok ng simbahan na huwag katakutan ang mga pulis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,565 total views

Tiniyak ng Philippine National Police Chaplain Service ang pagpapalalim at pagpapayabong sa pananampalataya sa panginoon ng mga pulis.

Ito ang tiniyak ni PNP Chief Chaplain Police Colonel Father Jaime Seriña sa mga dumalong pulis sa idinaos na misa para sa ‘Jubilee of Police’ sa Our Lady of Annunciation Parish and Shrine of the Incarnation (OLAP) sa Diocese of Novaliches.

Ayon kay Fr.Seriña, kaisa ng mga pulis ang simbahan sa mga mabubuting adhikain na isusulong para sa bayan.

“Ipakita natin sa sambayanang Pilipino na kami po ay maka-Diyos at kami po ay sumusuporta sa anumang mga religous activities lalung-lalu sa year of Jubilee ngayong 2025, it’s good that we’ve become partners in this religous activities so that- involving sa Pilipinas para sa spiritual aspect namin, it uplifts our moral and to the Filipino People na kami po ay maka-Diyos at kami po ay kasangga ng mga Pilipino lalung-lalu na sa mga espiritwal na mga bagay,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Seriña.

Ipinarating naman ni Father Joel Saballa ng Our Lady of Annunciation Parish and Shrine of the Incarnation (OLAP) ang kagalakan sa naging pakikiisa ng Philippine National Police at PNP Chaplain Service sa misang inalay para sa ‘Jubilee of Police’ sa kanilang simbahan.

Ayon sa Pari, layunin ng gawain na ipakita sa mamamayan ang dedikasyon ng mga pulis sa kanilang trabaho upang pangalagaan ang seguridad at kapayapaan nang bansa.

Umaasa ang Pari na patuloy na palalimin ng mga Pilipino ang kanilang kaalaman sa kahalagahan ng trabaho ng mga Pulis na huwag katakutan at sa halip ay gawing silang ehemplo.

“Unang-una ay nagpapasalamat po tayo sa Panginoon at sa ating Kapulisan lalo kay Gen Marbil sa pag-allow niya na dumalo ang ating kapulisan para sa ganitong pagdiriwang, pasasalamat at pagkilala sa kabayanihan, dedikasyon ng ating mga kapulisan, itong aming parokya ay Shrine of Incarnation, we’re hoping and dreaming that the PNP can incarnate also the Lord, the BFP would incarnate the presence of the Lord in their mission gayundin sa AFP cause this is Shrine of Incarnation at ini-incarnate Christ in their mission with our Filipino People,” ayon sa panayam kay Father Saballa.

Unang idinaos sa OLAP noong March 15 ang Jubilee for Fire Fighter sa pakikipagtulungan sa Bureau of Fire Protection.

Susunod naman ang Jubilee Mass na iaalalay para sa Bureau of Jail Management and Penology at Armed Forces of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 60,771 total views

 60,771 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 56,640 total views

 56,640 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 92,842 total views

 92,842 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 101,074 total views

 101,074 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 125,343 total views

 125,343 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top