Bishop Bagaforo, nahirang sa FABC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,847 total reads

Hinirang ng Federation of Asian Bishops’ Conference (FABC) si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo bilang Bishop Member ng FABC Office of Human Development (OHD)/Climate Change Desk.

Inaprubahan ng FABC Central Committee ang pagkakahirang kay Bishop Bagaforo noong March 12, 2025, at epektibo simula January 1, 2025 hanggang December 31, 2027, kung saan maaaring palawigin para sa ikalawang termino.

Layunin ng FABC-OHD na ipagpatuloy ang proseso ng pakikipagdiyalogo sa isa’t isa at sa mga dukha na labis na apektado ng mga nangyayaring pagbabago sa lipunan at kalikasan.

Pinagtibay at nilagdaan ang liham nina FABC President, Goa at Daman Archbishop Felipe Neri Cardinal Ferrao, at Assistant Secretary General Fr. William LaRousse, MM.

“The FABC Central Committee on 12 March 2025, approved your appointment as a Bishop Member of the FABC Office of Human Development/Climate Change Desk (OHD)… Please accept this Official Letter of Appointment as a Bishop Member of the FABC Office of Human Development (OHD),” bahagi ng liham ng FABC kay Bishop Bagaforo.

Si Bishop Bagaforo ay kasalukuyang chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, at pangulo ng social at development arm nito na Caritas Philippines.

Samantala, nagpaabot naman ng pagbati at suporta ang Caritas Philippines sa bagong tungkulin ni Bishop Bagaforo sa rehiyong Asya.

Ayon sa institusyon, ang pagkakahirang sa obispo ay patunay ng kanyang tapat na paglilingkod sa pagsusulong ng katarungang panlipunan, pangangalaga sa kalikasan, at pag-unlad ng mga pamayanan sa buong kontinente.

“Bishop Bagaforo’s appointment is a testament to his unwavering commitment to social justice, environmental stewardship, and the integral human development of communities across Asia… We at Alay Kapwa celebrate this milestone and remain committed to supporting Bishop Bagaforo in his mission to promote faith-driven action for social transformation in Asia,” ayon sa Caritas Philippines.

Maliban kay Bishop Bagaforo, hinirang din ng FABC si San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr., kasalukuyang chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Social Communications, bilang chairman ng FABC–Office of Social Communication, kahalili ni Penang, Malaysia Bishop Cardinal Sebastian Francis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 111,133 total reads

 111,133 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 249,090 total reads

 249,090 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 364,866 total reads

 364,866 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 480,847 total reads

 480,847 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 243,943 total reads

 243,943 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top