Banal na oras para sa kalikasan “Earth hour” 2025, isasagawa sa Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,045 total reads

Muling inaanyayahan ng kapanalig na himpilan ang lahat na pakinggan at tunghayan ang inihandang programa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Earth Hour ngayong taon.

Ito ang “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan: Earth Hour 2025 Special,” na gaganapin ngayong Sabado, March 22, 2025 mula alas-otso hanggang alas-10 ng gabi.

Tampok sa programa ang isang oras na pagpapatay ng mga ilaw mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi, na sasabayan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo at mga pagninilay mula kina Cubao Bishop-emeritus Honesto Ongtioco, Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, at Borongan, Eastern Samar Bishop Crispin Varquez.

Gayundin ang panayam mula sa mga makakalikasang grupo upang talakayin ang mga paksang “Caring for Our Common Home Amid Climate Crisis” at “Dirty Energy Versus Renewable Energy”.

Magsisilbi namang host ng programa sina Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) co-executive secretary, Franciscan missionary, Fr. Angel Cortez; at Caritas Philippines National Integrity Ecology Program head, Ms. Jing Rey Henderson.

Mapapakinggan ang programa sa DZRV846 AM at mapapanood sa DZRV846 Facebook page, Veritas PH sa YouTube, at Veritas TV Sky Cable Channel 211.

Ito’y sa pakikipagtulungan ng World Wide Fund for Nature Philippines, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, Conference of Major Superiors in the Philippines, at Caritas Philippines.

Ngayong taon ang ika-17 beses na pakikibahagi ng Pilipinas sa taunang Earth Hour bilang patuloy na paninindigan upang pangalagaan ang daigdig.

Unang isinagawa ang Earth Hour noong 2007 sa Sydney, Australia, at itinuturing na pinakamalaking pagtitipon para sa kalikasan, at ngayo’y isinasagawa na sa higit 7,000 lungsod at 193 bansa sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 81,155 total reads

 81,155 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 182,893 total reads

 182,893 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 219,681 total reads

 219,681 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 250,256 total reads

 250,256 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 295,329 total reads

 295,329 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 58,270 total reads

 58,270 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top