Mamamayan, binalaan sa pekeng FB account ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,204 total reads

Muling pinag-iingat ng Archdiocese of Manila ang publiko laban sa bagong pekeng Facebook account gamit ang pangalan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Batay sa monitoring nagpapadala ng friend request ang FB account na Jose Advincula at nag-iwan ng mga komento sa mga social media postings ng iba’t ibang social media pages lalo na ang mga may kaugnayan sa simbahang katolika.

Nilinaw ni Manila Communications Director at Radio Veritas Vice President Fr. Roy Bellen na walang kaugnayan kay Cardinal Advincula ang nasabing FB account.

“I would like to inform the public that the FB account with the name Jose Advincula is not an official acccount nor in anyway connected to the Archbishop of Manila. Please help us report this account that misrepresent the Cardinal,” bahagi ng pahayag ni Fr. Bellen.

Ang naturang FB account ay ginawa lamang nitong March 17 kung saan ginamit din ang mga larawan ng cardinal.

Ayon sa pari mahalagang maging maingat ang mamamayan sa pakikipag-ugnayan online lalo’t marami ang mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan at pagkakilanlan ng mga matataas ng opisyal ng simbahan para iba’t ibang fraudulent activities.

Matatandaang kamakailan ay nagbabala rin si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa publiko makaraang gamitin ang kanyang pangalan online sa paghingi ng mga donasyon.

Sa pinakabagong datos ng Digital Report ng Data Reportal sa Pilipinas sa pagsimula ng 2025 may 97.5 million Filipino internet users o 83.8 porsyento sa kabuuang populasyon ng bansa.

Sa naturang bilang 90.8 million dito ay aktibo sa social media kung saan nangunguna ang Facebook sa pinakaginagamit na social media platform na sinundan ng Tiktok na may 62.3 million users; FB Messaging App na Messenger na may 61.8 million user; YouTube na may 57.7 million users; Instagram na may 22.9 million users habang ang X o dating Twitter na may 9.29 million Filipino users.

Sa ensiklikal ni St. Paul VI na Inter Mirifica noong 1963 kinikilala ng simbahan ang mga bagong uri ng media at pag-usbong ng teknolohiya kung ito ay nagagamit sa wastong pamamaraan lalo na ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa buong mundo.

Fake Account Link: Fake Cardinal Account

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 115,817 total reads

 115,817 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 209,844 total reads

 209,844 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 254,114 total reads

 254,114 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 277,222 total reads

 277,222 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 347,020 total reads

 347,020 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top