Mananampalataya, hinimok na bisitahin ang jubilee church sa Talim island

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,542 total reads

Inaanyayahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na bisitahin ang mga simbahan ng Talim Island sa lalawigan ng Rizal lalo ngayong Jubilee Year.

Inilarawan ng obispo na mayaman sa debosyon ang isla at hitik sa likas na yamang handog ng Panginoon sa sangkatauhan na mahalagang masilayan ng mamamayan bukod sa mga naninirahan sa lugar.

“I extend this heartfelt invitation to you to embark on a pilgrimage to Talim Island, a place where nature and faith come together. In the middle of Laguna de Bay lies an island rich in history, devotion, and the enduring presence of God. Talim Island calls us to reflect on our spiritual resolve, to renew our hearts, and to discover the grace that flows abundantly in quiet corners of creation,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Sinabi ng obispo na ang lawa ng Laguna De Bay kung saan matatagpuan ang Talim Island ay hindi lamang kamangha-manghang tanawin kundi paalala ng kabanalan ng Diyos na nananahan sa katahimikan ng puso ng bawat isa.

Ang hugis pusong lawa ay paanyaya sa bawat perigrinong pagnilayan ang kalagayan ng puso ng bawat isa na nararapat puspos ng pag-ibig mula sa Panginoon.

Ang dagger-like form na Talim Island ay sumasalamin sa Kalinis-linisang puso ng Mahal na Birheng Maria na nagpapamalas ng pag-ibig sa sangkatauhan at patuloy sa paggabay tungo sa landas ni Hesukristo.

“As pilgrims walk the shores of Talim Island, they are reminded of Mary’s eternal guidance, her unwavering compassion, and her enduring call to deepen our faith. Through the natural beauty and spiritual depth of this place, we are invited to enter into her maternal embrace, finding strength, solace, and inspiration to carry forward in our journey of faith,” dagdag ni Bishop Santos.

Paanayaya ni Bishop Santos sa kristiyanong pamayanan ng Talim Island na ipamana sa mga susunod na henerasyon ang mayamang kultura, tradisyon at higit sa lahat ang pananampalataya sa lugar sa pamamagitan ng tatlong parokya sa isla ang Santo Domingo Parish sa Janosa Binangonan, Our Lady of Lourdes Parish sa Navotas, Cardona, at, San Francisco de Asis Parish sa Habagatan, Binangonan.

Bukod pa rito ang likas na yamang kabundukan tulad ng Mount Tagapo na paalala sa kagandahang loob ng Diyos sa biyaya ng kalikasang pinakikinabangan ng mamamayan.

Aniya sa pagbisita sa isla ay pagnilayan at balikan ang payak na pamumuhay at higit na ipagdiwang ang hitik na pananampalataya at pamana.

“As the Bishop of Antipolo, I extend a heartfelt invitation to each of you to visit Talim Island. Come, immerse yourselves in the beauty of God’s creation, deepen your faith, and experience the warmth of our community. Let the Lake remind you of life’s journey, let the Lady inspire you with her maternal love, and let the Legacy strengthen your sacred commitment,” ani Bishop Santos.

Ang Santo Domingo Parish ay isa sa 14 na mga jubilee churches ng diyosesis kung saan matatamo ang plenary indulgence na ipinagkakaloob ng simbahan ngayong Taon ng Hubileyo alinsunod sa mga alituntunin ng pagtanggap nito tulad ng pagdulog sa sakramento ng kumpisal, banal na eukaristiya, panalangin sa intensyon ng santo papa, pag-usal ng Ama Namin at Credo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 116,780 total reads

 116,780 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 210,807 total reads

 210,807 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 255,077 total reads

 255,077 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 278,185 total reads

 278,185 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 347,930 total reads

 347,930 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top