3 Pilipinong Pari,itinalaga ng Santo Papa na missionaries of mercy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,677 total views

Muling nagtalaga ang Kanyang Kabanalan Francisco ng mga Pilipinong missionaries of mercy na magiging bahagi sa misyon ng pagpapalaganap ng dakilang habag, awa at pagpapatawad ng Diyos sa lipunan.

Ikinalugod ng Archdiocese of Lipa ang paghirang ng santo papa sa tatlong pari nito na mga missionaries of mercy na sina Fr. Rogelio Maynardo Beredo Jr., Fr. Jesse Lucas Balila, at Fr. Donaldo Dimaandal.

Sa Facebook post ng arkidiyosesis sinabi nitong ang tatlong bagong missionaries of mercy ay natatanging tungkulin sa simbahan sa paggawad ng Sakramento ng Pagbabalik loob o kumpisal kung saan maaring gawaran ng pagpapatawad ang mga kasalanang karaniwang nakalaan lamang sa santo papa.

“Ang pagkatalaga sa kanila bilang Missionaries of Mercy ay isang malaking karangalan at isang misyon na magdadala ng biyaya, pagpapatawad, at pagkakasundo sa ating mga komunidad,” ayon sa pahayag ng arkidiyosesis.

Matatandaang 2016 kasabay ng pagdiriwang ng Year of Mercy ay nagtalaga si Pope Francis ng mahigit 1, 000 Missionaries of Mercy sa buong mundo kung saan unang napabilang ang apat na Pilipino na sina Fr. Andres Ma. Rañoa, OFM, Fr. Pedro Roberto Manansala, OFM, Fr. Jerome Ponce, OFM, at Fr. Jose Litigio, OFM.

Taong 2020 nang muling magtalaga ang santo papa ng Filipino missionary of mercy na sina Fr. Prospero Tenorio at Fr. Nap Baltazar ng Diocese of Malolos at pawang nangangasiwa sa Divine Mercy Philippines habang apat naman mula sa Archdiocese of Lingayen Dagupan na sina Fr. Allan Morris Abuan, Fr. Danille Chad Pescon, Fr. Matt Jason Molina, at Fr. Roy Joel Rosal.

Gayundin ang mga pari mula sa Diocese of Balanga sa Bataan na sina Fr. Jhoen Buenaventura, Fr. Joseph Quicho at Fr. Jesus Navoa habang noong 2024 si Fr. Charles Allan Nemenzo, DCK mula sa Diocese of Kidapawan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 222,871 total views

 222,871 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 253,094 total views

 253,094 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 279,738 total views

 279,738 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 374,711 total views

 374,711 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 381,321 total views

 381,321 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top