Takbo para sa mundo, pinangunahan ng San Pablo Apostol parish

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,945 total reads

Tiniyak ni San Pablo Apostol Tondo Manila Parish Priest Father Rey Daguitera ang pinaigting na pangangalaga sa kalikasan kasama ang mga kabataan at mananampalataya.

Ito ang pangako ng Pari sa pagdaraos ng ‘Ecolay:Takbo Para sa Mundo’ ng parokya katuwang ang EcoWaste Coalition.

Sinabi ni Father Daguitera na layunin ng Ecolay na mapalawak ang kaalaman ng mamamayan sa kinakailangang pagkakaisa at pagkilos upang labanan ang lumalalang epekto ng climate change at global warming.

“Itong pagtakbo natin o yung iba na may mga edad na, lakad na lang, para ipamahagi natin ang magandang balita na kailangan natin na pangalagaan ang ating kalikasan lalo na dito sa Tondo, nakita natin na talagang mas lalo nating kailangan dito na magkaroon ng kaalaman sa marami nating mga kababayan na sana mahalin natin, pangalagaan natin ang ating kalikasan para sa hindi lang ngayon, para sa susunod na henerasyon,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Daguitera.

Inaasahan din ng pari na magsagawa ng pilgrimage ang mga mananampalataya sa kanilang parokya matapos itong maitalaga ng Archdiocese of Manila bilang Jubilee Church for Ecology sa pagdiriwang ng buong simbahang ngayong 2025 ng Jubilee Year sa temang ‘Pilgrims of Hope’.

Nais ni Fr.Daguitera na maging inspirasyon ang Apostol San Pablo Parish ng mga mamamayan para gumawa ng makakalikasang inisyatibo tulad ng pagre-recycle, proper waste segregation, rain-water harvesting at paggamit ng solar power.

Ikinatuwa naman ni Crisanto Luague, zero waste campaigner ng EcoWaste Coalition ang pakikiisa ng mamamayan lalu na ang mga kabataan sa pagpapabuti ng kalikasan.
Naniniwala si Luague na ang mga kabataan ang susunod na mangangalaga at magbibigay ng proteksyon sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 79,082 total reads

 79,082 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 181,102 total reads

 181,102 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 217,890 total reads

 217,890 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 248,465 total reads

 248,465 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 293,612 total reads

 293,612 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 24,995 total reads

 24,995 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »
Scroll to Top