Obispo, nakikiisa sa nararanasang kahirapan ng mga magsasaka at mangingisda

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,677 total views

Nakikiisa ang Vice-President ng Caritas Philippines sa dinaranas na kahirapan ng mga magsasaka at krisis sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Inihayag San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na ang nararanasang hirap ng mga magsasaka at mangingisda ay dulot ng kakulangan ng suporta mula sa pamahalaan at climate change.
Hinimok naman ng Obispo ang mga magsasaka at mangingisda na huwag mawalan ng pag-asa dahil kalakbay nila ang simbahan.

“This year is the Jubilee Year of Hope, huwag po tayong mawalan ng pag asa. Ang susi sa ating pag-unlad ay nasa sarili nating mga kamay at sa kamay ng ating mga kapatid sa patnubay at tulong ng ating Maykapal. Naway magtagumpay ang inyong pagtipon-tipon at paghawak-hawak para ipakita at iparamdam na ang tanging hangad lamang ninyo ay isang mapayapa at maunlad na buhay hindi lamang para sa inyo kundi para sa mga susunod na henerasyon,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.

Inalala at ipinagdarasal din ni Bishop Alminaza ang mga kaluluwa at kapayapaan ng mga magsasaka sa Guimba at Talavera, Nueva Ecija na sinasabing winakasan ang buhay dahil sa pangambang hindi makabayad sa mga utang dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng palay.

Kasabay nito, nanawagan ang Obispo sa pamahalaan na tugunan ang problema ng mga magsasaka at mangingisda upang maibsan ang kanilang dinaranas na kahirapan.

“Ang pagkitil sa sariling buhay ay hindi paraan upang malampasan ang mga pinagdadaanang paghihirap ng mga magsasaka at mangingisdang Pilipino. Mabigat ngayon ang hinaharap dahil sa nakaraang mga batas na nagpapasok ng mga produkto galing sa ibang bansa at nagpalugi sa mga magsasaka. Nagkaroon din ng desisyon ang Korte Suprema na nagbanta sa kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino, subalit kahit mabigat ang hinagpis at paghihirap ng ating mga kababayan, hindi kailanman tayo iniwan ng Poong Maykapal na ginawa tayong kasangkapan para ipaglaban ang ating karapatang magkaroon ng maayos na kabuhayan ng hindi dumadaan sa dahas,” bahagi pa ng mensaheng ipinadala ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.

Kinatigan din ng Obispo ang isasagawang kilos-protesta ng 150-magsasaka mula sa Region 3 para hilingin sa pamahalaan ang suporta sa kanilang hanay.
Sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority noong 2023, nararanasan ng mga magsasaka at mangingisda ang 36.9% at 40.8% poverty incidence rate.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 57,461 total views

 57,461 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 80,620 total views

 80,620 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 101,894 total views

 101,894 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 268,678 total views

 268,678 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top